Chapter 32 | Knight

443 26 0
                                    


XAMIRA


Nandito kami ngayon sa abandonadong skatepark, sinusundan namin sina Kaizer. Dare sa amin to nina Amira at Leanne dahil nanalo sila sa isang pustahan. Kasama ko sina Nayah at Maiara ngayon.


"Bakit ba sila pumunta dito? Anong gagawin nila?" bulong ni Nayah sa amin pero hindi nalang namin pinansin at nilagay ang atensyon sa apat. Tumatago kami sa itaas ng puno. Kitang kita kung nasaan sila at maririnig rin namin kung ano ang sinasabi nila.


They look weird. Hindi namin alam kung bakit sila nandito and they're wearing all black. Ano bang binabalak ng mga 'to? They reminded me someone. I mean, some gang.


"Why do I have a bad feeling about this?" ani ni Maiara. Wag kang mag-alala, Mai. Hindi ka nag-iisa.


Ang sama ng kutob ko ngayon. This set-up looks familiar. Parang nakita at naranasan ko na 'to.


"Nasaan na ang mga 'yon? Tayo pa ang pinahintay, Boss. Badtrip!" narinig kong reklamo ni Calyx.


Pinaghintay? So may hinihintay sila? Hindi talaga maganda ang kutob ko dito. Tinignan ko ang dalawa at mukhang nagulat din sa kanilang narinig. What are you boys up to?


Nanatili kaming tahimik at hindi gumalaw dahil baka mapansin nila kami. Nanlaki ang mga mata namin nang may nakita kaming maraming mga lalake na papunta sa direksyon nila. Kumunot ang noo ko nung makitang parang may sinuot ang apat na lalake. It looks like a mask. What the? Sana mali lang ang kutob ko.


Hindi ko naman nakita kung anong sinuot nila dahil nakatalikod sila sa amin pero may hinala ako. Sana mali nga. I hope they are not them.


"Nainip na kami kakahintay," ani ni Ash at humikab pa.


So sila 'to ang hinihintay nila? At ano naman ang nasa kokote ng mga 'to na makipagkita sa ganitong klaseng tao? I cursed in my mind. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.


Mas lalalong lumaki ang mga mata ko nang makilala ko ang mga taong to. They look familiar to me, to us.


"Celestial Sinisters at Dooms." wala sa sariling bulong ni Maiara nang pumunta ang apat sa dalawang gang. Don't tell me that they're gangsters too.


Bakit naman sila nakipagkita sa Celestial Sinisters at Dooms? Do they know who those guys are?


Ang Celestial Sinisters ay isa sa mga pinakatakutang gang sa Underground. Bukod sa madami sila ay malalakas rin silang lahat. Their gang consists of 13 gangsters. Malalaman mo na membro sya ng Celestial Sinisters dahil meron silang tattoo na pangil ng lobo na may patak ng dugo at hindi na sila sumusuot ng maskara. Ang Dooms ay isa rin sa mga pinakamalakas at kinakatakutang gang. Apat lang sila pero kaya nilang patumbahin ang higit pa sa sampo. Rank 5 sila sa Underground. Nag susuot sila ng itim na maskara na tinatakpan ang bibig. They also wear black hoodies na may logo nila and that's only exclusive for them.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon