Chapter 41 | Threats

367 20 0
                                    


XAMIRA


Last day na namin dito ngayon kaya pumunta kami sa SM nila to buy souvenirs for our family and friends. Calyx called us last night, nagtatanong kung okay lang ba kami dito at kung nag enjoy rin kami. Nag video call sila sa amin kasama ang pito. Parati nang sumasama si Leanne samin.


"You want that?" tanong sa akin ni Kaizer habang tinuturo ang Jordan 1 retro na obsidian. Nandito kami ngayon sa Nike store nila. Kakatapos lang naming bumili ng mga souvenirs kaya napag desisyonan naming mag shopping.


"Ang ganda," sagot ko dahilan para tawagin nya ang sales lady at nagpakuha ng size naming dalawa. Couple shoes daw e.


Ako sana ang babayad but he insisted kaya wala na akong nagawa. Pumunta kami sunod sa Adidas at bumili sya ng jacket samantalang ako ay bumili ng trackpants. Maraming shops ang napasukan namin at marami rin ang pinamili namin kaya pumunta muna kami sa parking lot at nilagay sa compartment ng sasakyan nya ang mga dala namin.


Napa alerto agad ako nang may napansin akong nakatingin sa amin. I can feel it. Ipinalibot ko ang paningin ko pero wala naman akong nakitang ibang tao. Parang naintindihan rin ni Kaizer ang mga galaw ko kaya napatingin rin sya sa paligid.


"Tara na," pag-iiba nya at hinawakan ang kamay ko. I knew that he can sense someone is here. Baka nakalimutan nyong leader 'yan ng Ultimate Rank.


I nodded and held his hand back. This gives me a bad feeling. My gut is telling me that this was a bad idea.


I have the feeling that someone is following us around the mall. Hindi ko nalang 'yon pinansin because I want to enjoy our last day dito.


Pumunta kami sa isang kilalang restaurant dito at tinikman ang kanilang famous na inasal manok. It tastes great, and there's no doubt that people liked it here, especially if you put chicken oil in your rice.

Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa parking lot dahil 6 o'clock yung flight namin mamaya. kailangan pa naming mag impake.


Naramdaman kong may sumusunod sa amin kaya nagpaalam muna ako kay Kaizer na mag c-cr. Pumunta ako sa cr, pinili ko ang walang tao. I can feel the stranger's presence at my back kaya mabilis ko itong nilingon. Huli ka!


Mabilis ko syang nilapitan at hinawakan ang braso nya 'tsaka pinaikot. Buong lakas kong sinipa ang likuran ng tuhod nya dahilan para mapaluhod sya. Kinuha ko ang hood ng hoodie nya then I grabbed a handful of her hair. Naka maskara ito kaya hindi ko pa nakita ang kanyang itsura.


Mabagal kong nilapit ang kamay ko sa maskara nya, hoping that she will fight back but she didn't. Isang bagong konklusyon ang bumuo sa isip ko. Why didn't she fight back?


Nung nahawakan ko na ang tela ng maskara nya ay mabilis ko itong hinila pababa. Nabitawan ko sya nung makilala ko ang kanyang itsura. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. I didn't expect that it was her all the time!


"S-saph,"






SAPPHIRE



"Ba't mo ako pinatawag?" tinanong ko agad si Master R pagkadating ko sa opisina nya. I'm one of his well-trained reapers. Only he and my mates knew about this. Kahit si Lady Death na mismong anak nya ay hindi nakaalam na may binuo syang grupo ng mga reapers at assassins.  


"I want you to protect this girl," he says again, his cold and baritone voice indicating his seriousness.


May binigay sya sa aking litrato ng magandang babae. Base sa kanyang itsura, mukhang wala syang kaalam-alam sa pakikipaglaban. No wonder why Master R assigned me to take care of her.


Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon