Chapter 29 | Lee Family

444 27 3
                                    


XAMIRA


[Wear something formal,] sabi sa akin ni Kaizer sa kabilang linya. Meron kaming dinner ngayon kasama ang pamilya nya kaya kinakabahan ako. 


"Alright. I'll call you back when I'm done." sagot ko sakanya. 7 pm ang dinner namin at 5 pm na ngayon. I don't want to be late and make a bad impression sakanila kaya mas mabuti nang mas maaga kami pumunta doon.


[Okay, love.] sabi nya at pinatay ang tawag.


Dali-dali akong pumunta sa closet para pumili ng damit. Formal daw dapat kaya mag de-dress nalang ako. I chose a white knee length dress, criss cross na off-shoulder ito at pinarisan ko ng rose gold pumps. It took me an hour sa paghanda ko. Naglagay lang ako ng natural makeup at soft curls lang sa buhok ko.


Tinawagan ko na si Kaizer at papunta na sya dito kaya bumaba na ako sa sala. Kitang kita ko ang gulat na reaksyon ni Mom noong bumaba ako. Nandito sya ngayon sa pinas dahil ang kompanya naman nila dito ang kailangan nyang asikasuhin.


"Where are you going, Xam?" gulat na tanong sa akin ni Mommy.


I chuckled and kissed her cheeks. "Dinner, Mom, with Kaizer's family." sagot ko. She smiled at me at saka tumango.


"So where is he?" tanong ni Mommy na parang nanunukso pero napatigil rin kaagad nang may biglang bumusina na sasakyan sa labas. Mas lumaki ang ngiti ni Mom at nginuso ang sasakyan sa labas kaya umiling ako. Daig pa ni Mom and teenager kapag nakilig.


Lumabas na ako at pumunta sa sasakyan nya. He's leaning on his car while looking at me. He's wearing a black dress shirt tucked in his black pants. He seemed to fix his hair ngayon kaya ngumisi ako.


Nung nakita nya ako ay agad syang ngumiti at pinagbuksan ako ng pinto. Nginitian ko sya pabalik at pumasok na sa sasakyan nya. Pumasok rin sya at nagulat ako nang lumapit sya at sinuot sa akin ang seatbelt. I can smell his perfume at amoy itong baby.


A smile came out on my lips pero hindi parin maalis sa isipan ko ang iniisip ko kanina. Hindi magulo ang buhok nya ngayon kaya tinignan ko sya at ginulo ang buhok nya. Mukhang hindi sya makapaniwala sa ginawa ko kaya tinignan nya ako ng masama.


"What the?" inis nya akong tinignan pero nawala agad noong halikan ko sya. Ang inis nyang itsura ay biglang napalitan ng gulat. Hindi na sya kumibo at kumuha nalang ng suklay at inayos ang buhok nya kaya napatawa ako. Parang sa sandaling iyon ay nakalimutan kong kinakabahan ako. Pero eto, naalala ko na ulit kaya kinakabahan ako ngayon.


Nakarating na kami sa isang restaurant na walang kibuan. Lumabas na ako at sinalubong ako ni Kaizer sabay lahad ng braso nya. "Don't be shy, alright? They like you, love. Trust me." binigyan ko lang sya ng matamis na ngiti at pumasok na kami.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon