Chapter 40 | Bonding

430 23 0
                                    


XAMIRA

Bumaba na kami ni Kaizer para mag tanghalian. May hinanda daw sila para sa amin na mga pagkain kaya dito muna kami kakain ngayon. Pagbaba namin ay dumiretso na kami sa kusina. Gutom na nga rin ako eh.

"Ate, Kuya! nandito na pala kayo! " sabi ng isang batang babae pagpasok namin sa kusina. I think she's 16 years old. Maganda sya at morena. She has hazelnut eyes and rosy cheeks tapos may pagka wavy ang kanyang buhok. Anak sya siguro ni Tita Adi.

"Hi ate, hi kuya! Umupo na kayo dito. Nahanda na namin ang pagkain," my eyes widened when another girl showed up. They're identical. They must be twins.

"Hi ate, hi kuya! My name is Aria nga pala," pagpapakilala nang bagong dating. "And that's Arielle, my twin." dagdag pa nya at nginuso ang kambal nya.

I smiled to her and she smiled back at me. Umupo na ako at tumabi sa akin si Kaizer. Umupo narin sina Aria at Arielle sa tapat namin.

"Ako nga pala si—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Arielle.

"Ate Xamira and he's Kuya Kaizer. Mom told us about you guys," walang emosyong aniya kaya siniko sya ng kakambal nya at may ibinulong pero inirapan nya lang ito.

They don't have that much difference in their outside appearance. They are really similar to one another but their personality, it's quite unlikely. Aria is cheerful while Arielle is cold. Feeling ko magkakasundo kami nito. I need to show her my other side too so that we can communicate.

"Oh, okay." sagot ko na walang emosyon. Bigla silang napatingin sabakin at ganon rin si Kaizer. Mukhang nagtataka sa pagbago ng ekspresyon ko. I can be like Aria and Arielle whenever I want.

"Ba't nyo ko tinitignan? Let's eat," I said, my voice frigid. They obeyed me. Sumunod rin si Arielle kaya napaangat ang gilid ng labi ko.

He held my hand under the table and lightly caressed it. Parang sinasabihan nya ako na hindi ko gagawin ang binabalak ko. I just gave him a small smile to make him calm. Parang naintindihan nya rin kaya bumalik sya sa pagkain.

We ate in silence, the cold engulfing the entire room.

"Aria, Arielle," ani ko kaya tinignan kaagad nila ako. I smiled a little. "Sama kayo?" nakangiting aya ko dahilan para kumunot ang noo nila.

"I thought y-you're angry?" umiling ako dahil sa tanong ni Aria. She's soft.

"No, I'm not. That's just me." nakangiting sabi ko at siniko ang katabi ko. "Right, love?" tumango naman siya.

"Cool," nakangising ani ni Arielle dahilan para mapangiti ako.

"That's it, Arielle. You look prettier when you smile." sabi ko at ginulo ang buhok nya.

"Ginawa mo lang 'yon para mapangiti ako?" nagtatakang tanong nya.

I smiled at her. "Maybe? Let's say I did that to make you smile and to be myself. I'm more brutal than that, Arielle. They fear me." I whispered at her at mukhang nalilito sya dahil sa sinabi ko. Kinindatan ko nalang ito.

"Get ready. We'll go in 5." nakangiting sabi ko sakanila kaya dali-dali silang pumunta sa bahay nila.

Nalaman kong bahay nila ang katabi ng bahay nina Calyx dahil sinabi kanina ni Tita Adi. Aakyat na sana ako sa kwarto ko para bumihis nang namataan kong nakanguso ang katabi ko.

"Hey, are you okay?" tanong ko pero hindi sya sumagot. "Love? Okay ka lang?" pag-uulit ko pero hindi parin sya sumagot.

"Kaizer!" pagbabanta ko pero wala parin akong may natanggap na sagot. He must be sulking. I will try to make him talk and I have a plan.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon