Chapter 35 | Partners

422 23 2
                                    


XAMIRA


"Hey, are you okay?" tanong ko kay Kaizer. Nandito kami ngayon sa isang ice cream shop. Inaya ko sya dahil gusto kong kumain ng surbetes.


"H-ha?" he took a glance at me at nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko sa mga actions nya. He's so weird lately. Ano bang nangyari dito?


"I'm asking if you're okay," I repeated.


"Yeah, I'm fine. Bakit mo naman tinatanong?" umiling nalang ako 'tsaka bumalik sa pagkain ng ice cream.


Minutes passed and we kept talking about random things. Mga hobbies, families, parang na ge-get to know more.


But then, after all of the sudden, biglang may nagpaputok ng baril sa labas at may pumasok na mga naka itim na lalake dito. Nagsisigawan at nagsilabasan ang mga tao and my eyes widened when an unknown man pointed his gun at me. Wala akong ibang naisip kundi ang Mafia del Noreàl.


Agad-agad umalarma si Kaizer at pupuntahan sana ako nang may biglang tumutok rin ng baril sa noo nya. He clenched his fist and he looked so pissed.


I remained calm kahit na takot ako para sakanya. I'm not scared that I might get shot kundi takot ako dahil baka madamay pa ang mahal ko.


Kunot noo akong tinignan ng lalakeng tumututok sa akin ng baril. I knew that this is a bad choice but I elbowed his stomach then bumped his head on my knee. Kinuha ko agad ang baril nya na nalaglag at tinutok sa lalaking tumututok ng baril kay Kaizer. Wala akong pake kung malaman mo kung sino talaga ako. Ang importante ngayon ay ang kaligtasan mo.


He looked at me with furrowed eyebrows. Nag iwas agad ako ng tingin at tinignan ang lalake.


"Ibaba mo," kalmadong utos ko pero tinawaan nya lang ako.


"Ha! Anong akala mo sa akin? Tagapag silbe mo?" he said then laugh.


"Sabi ko, ibaba mo." pag-uulit ko.


"At akala mo naman susundin ko? Sino ka ba, ha?" hindi mo ba talaga gusto na hindi brutal? Bahala ka, choice mo to, eh.


Pinutokan ko ng baril ang hita nya dahilan para mabitawan nya ang baril nya at natumba. Mukhang hindi sya makapaniwala sa ginawa ko at ganon din si Kaizer.


Sorry, love. For now, your safety is my number one priority. I don't care if you will know who I truly am as long as you're safe, it's fine with me.


Kaya kong tanggapin lahat ng pagpahirap nila sa akin para sa 'yo. I can be your armor in the war that you're in. I won't allow them to touch you.


Nakangisi kong pinuntahan ang lalake 'tsaka lumapit sa tenga nya at may binulong. "Baka pagsisihan mo kung malaman mo kung sino talaga ako,"

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon