Chapter 8 | Zine

584 29 17
                                    



XAMIRA


Hawak parin ng lalaki ang bewang ko. Hindi ko alam pero parang ligtas ako sakanya. Hindi ko sya kilala pero ba't ganito ang nararamdaman ko? 


"Sino ka?" tanong ko. Tumingala ako sakanya para makita sya ngunit nakatago ang mga mata nya sa maskara.


"K—" hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil may biglang humila sa akin. Tinignan muna ni Maia ang lalake 'tsaka binaling ulit ang tingin nya sa akin.


"Tara na," aniya at hinila ako papunta kina Nayah at Amira.


"We already detached the gadgets of those poisonous smoke thingy." ani Amira. Binigay ko kay Nayah ang susi ng pinto kaya binuksan nya ito. Nauna syang lumabas at sumunod naman kami sakanya.


"Since tapos na ang misyon natin dito, we can already go." sabi ni Maiara at sumakay na sa kotse nya. Pagdating namin sa headquarters ay dumiretso na kami sa aming mga kwarto. Naligo muna ako 'tsaka humiga sa kama. I couldn't sleep because I couldn't stop thinking about him. This is driving me insane!


K? Kilala ko ba 'yon? Kung kilala ko, dalawang K lang ang kilala ko. But i think it's neither one of them! Pero baka hindi ko 'yon kilala kasi maraming K naman sa buong mundo! I just can't stop thinking about it!


Kinabukasan. Nung umuwi ako sa bahay, sinalubong kaagad ako ni Ate. Mukhang may mga kasama sya, ah?


"Xam! Come here," tawag nya kaya lumapit ako. 


"I'd like you to meet my best friend, Kiana, and her younger sister, Zaya." maligayang sabi ni Ate sa akin kaya pilit nalang akong ngumiti.


"Hi!" bati ni Ate Kiana at kumaway. Ngumiti nalang ako sakanya at kumaway rin pabalik. I'm not so used on being this friendly especially sa mga kakilala ko palang.


"You know what, Xam? Sumama dito si Zaya kasi gusto ka daw nya makilala!" dagdag pa nya at tumawa. Tinignan ko si Zaya at parang hindi na sya makagalaw dahil sa hiya kaya tumawa ako ng mahina. She's cute.


"Ate!" sigaw ni Zaya sa Ate nya pero tinawaan lang sya nito.


"Xam, ikaw na bahala kay Zaya, ah? Tutal ikaw rin ang pinunta nya dito." sabi ni Ate sa akin. Wala na akong ibang nagawa kundi tumango. Minsan lang  naman 'to kaya pagbigyan ko na.


"Fine," sagot ko at tinignan si Zaya na nakatingin sa akin. "Let's go?" I faced her. Ngumiti naman sya at tumango.


Pumasok kami sa kwarto ko at pinaupo ko sya muna sa sofa dahil bibihis pa ako.


"Wow! Your room looks nice, ate." she complimented my room. Pumunta sya sa bookshelf ko at tinitignan ang mga pocketbooks ko doon. Hinayaan ko muna sya kasi mukhang masaya naman siya habang tinitignan ang kwarto ko.


I changed my clothes into some oversized shirt and jeans dahil gusto kong maging komportable. An idea then popped up on my mind dahil boring naman dito sa bahay.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon