Chapter 14

107 9 0
                                    

-

Nang mailapag ni Dionne ang order namin agad rin siyang bumalik sa trabaho niya. I am just looking at him while doing his work without touching my ramyeon. Si Jayna naman, enjoy na enjoy sa tteobokki niya. Feeling niya raw kasi Koreana siya kapag kumakain 'nun.



Jayna tapped the table to get my attention. "Kumain ka na, girl. Baka matunaw si Dionne, hottie pa naman", she said then continue eating. Ginalaw ko na rin ang ramyeon ko at inubos na rin. When we were done eating, lumabas na kami ng restaurant. Nilingon ko pa si Dionne, he's wiping the tables and collecting the used plates and bowls.



"Ano, girl? Tutunganga ka na lang d'yan? Gabi na 'oh. Maga-aral pa 'ko", Jayna said. I looked at her. "Ano? Hihintayin mo siya?", she asked. What? Hihintayin ko ba siya? Pero bakit?



"Mauna ka na", I told her.



She gave me a grin. "Ayon, bumibigay na rin", she teased. "Sige na, una na 'ko. Mag-ingat ka, bruha!", then she gave me a pecked on my cheeks. Sumakay na rin siya agad ng taxi. Nasa gilid lang ako ng restaurant, hinihintay si Dionne matapos. Ewan ko ba bakit naisip ko na hintayin siya.



I just enjoy watching the busy city. After a few more minutes, nakita ko na rin ang paglabas niya. He was shocked when he saw me.



He approached me. "Bakit nandito ka pa?", he asked. I looked up at him. Bakit ba ang tangkad niya? Halatang pagod na pagod siya, pinagsasabay niya ba talaga ang pagiging intern at crew?



"Uy, natulala ka na d'yan", he said.



"Palamig tayo", I offered. The hell Thasia, ano 'yun? Palamig? Shocks! Ang shunga ko.



Napakunot ang noo niya. "Palamig?", he repeated.



"Bingi lang?", then he laughed.



"Sige, tara. Date tayo", sabi niya. Napatingin tuloy ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.



"I didn't say that it's a date", I defended.



He chuckled. "Palamig Date". Inirapan ko na lang siya, we started walking para maghanap ng palamig. Bakit ba kasi 'yun pa naisip ko na i-offer? Ang shunga talaga. Habang naglalakad, tahimik lang kami. Nakahanap rin kami ng nagtitinda ng palamig.



"Ano sayo?", he asked.



"Tig-15 na palamig tapos kwek-kwek", I told him. I get my wallet and handed him a fifty peso bill pero tinanggihan niya. "What? Bayad ko 'yan. Lilibre rin pala kita", sabi ko sa kaniya.



"Wag na. Ako na manlibre", he said.



"Ako nagyaya, it's on me. Wag ka na umangal", then I gave him a glare.



"Sige na nga pero ako taya next time", and I nodded at him. Sinabi ko na ang order namin sa babae at ininit niya muna yung kwek-kwek. Nang matapos, humanap kami ng bench at do'n umupo.



"Hindi ko akalain na makikita niyo ko do'n", he said. Tiningnan ko siya pero sa mga taong naglalakad lang siya nakatingin. Then suddenly, he caught me staring at him. He gave me a smile. "Part-timer ako do'n. Wala 'e, kailangan ko ng pera", he added.



He's still smiling at me. Why do I feel this way when I look at him?



"Uy!", he snapped. I get back to my senses, umiwas na rin ako ng tingin sa kaniya. "Okay ka lang ba?", he asked, concern.



"I can lend you money if you need to", I told him. Why do I care for him? Why do I start feeling concern about him?



He shooked his head. "Hindi na. Diba nagpapagawa ka rin ng bahay? Kailangan mo rin 'yan tsaka kaya ko naman. May pera naman akong tinatago pero kinakapos lang", he said. I looked at him. "Trust me", he added. When did I start feeling this way?



When Heartbeat Stops [COMPLETED]Where stories live. Discover now