Chapter 31

87 9 0
                                    

-

"Anak, kumain ka muna 'oh, 'wag mo naman gutumin ang sarili mo, ilang araw ka nang walang kain", mama said and showed me a plate of rice with chicken curry. I just stared at it until she felt tired holding it. But she's too persistent.



"Ayoko", I replied with no emotions. Its been four days since lola died, its been four days since I announced her death and its been four days since I felt emotionless.



"Kahit ilang subo lang", she said and gave me a spoonful. Tinabig ko 'yun kaya natapon sa sahig ang pagkain na nasa kutsara. Napatingin sa amin ang ilan but I didn't care.



"Ayoko", I firmly said. And I saw Dionne na inalalayan si mama at pinaupo muna sa isang upuan na medyo malayo sa'kin. Binalik ko ang tingin 'ko sa kabaong ni lola, since binurol siya, hindi ako tumingin sa mukha niya. Hindi ko pa rin tanggap. Ang hirap-hirap tanggapin.



"Mahal, kumain ka muna", I heard Dionne's voice and he sat beside me. I looked at him and saw na hawak niya ang plato na hawak-hawak ng nanay 'ko kanina. "Masarap 'to, di'ba favourite mo 'to?", he said and wiggled his brows.



"Ayoko", I replied and looked back sa kabaong ni lola. I am not hungry, hindi ba nila maintindihan 'yun? Saang parte ng "ayoko" ang hindi nila maintindihan kasi ipaiintindi ko talaga. I heard him sighed. Mapapagod rin naman sila.



"Mahal, alam 'ko na hindi mo tanggap ang pagkawala ng lola mo pero sana 'wag mo naman hayaan na pati ikaw mawala sa amin kasi mas lalong hindi namin kakayanin", he said then gave me some alone time. I felt the tears coming out again, walang katapusan na pag-iyak, nakakapagod. His words, all of it left a marked on my heart. I know na sa mga araw na hindi ako pumapasok, makikita ko si Dionne na dito didiretso kapag galing niya sa ospital at minsan hindi na pumapasok sa restaurant para samahan ako...kahit nasa malayo lang siya.



Buti sana kung ako lang yung nadudurog sa ginagawa ko pero nadadamay siya, ano'ng magagawa ko? Hirap na hirap pa 'ko sa ngayon bumangon. Sirang-sira pa 'ko.



"Umalis na muna si Dionne, kailangan siya sa restaurant", Andeng informed me and right after that umalis rin agad siya. Sa mga araw na dumaan, hindi sila tumatabi sa akin, tinataboy ko rin naman sila kapag nagtatangka silang lapitan ako.



Another day passed until the day na ililibing na si lola. I washed myself first, binabad ko ang sarili ko sa tub, at hinayaan na dumaloy ang malamig na tubig sa katawan 'ko. Nang magsawa ako, tsaka ako tumayo at sinuot ang itim na T-shirt na may markang, "We know you're in heaven now", at may mukha pa ni lola. Niyakap ko ang sarili ko nang maisuot ko ang itim na damit na para bang si lola ang yakap-yakap ko at naramdaman ko na naman ang pagbagsak ng aking mga luha.



Hanggang kailan ako iiyak?



Bumaba na 'ko at nakita silang hinihintay ako. Sinimulan ng buhatin ang kabaong ni lola at sinakay sa likod ng sasakyan. Cries are all that you can hear the moment na umandar ang sasakyan. I felt Dionne's hand around my shoulder. Aalisin ko na sana pero hinigpitan niya ang kapit 'dun.



"Hayaan mo na 'ko, mahal", he whispered. So be it, I let him hanggang sa makarating kami sa sementeryo at nagdaos pa ng misa para kay lola. I didn't cry, naubos na siguro ang luha ko kaya wala ng tumulo. Until I saw na binababa na siya.



We will meet again, lola. Have a safe flight to heaven. I love you.



After that, when we got home, umakyat agad ako sa kwarto at nagkulong. I felt empty. I felt numb. I felt nothing. Then suddenly I heard a knock on my door.



"Mahal...", Dionne said.



"Just leave me alone, Dionne", I told him. Pati siya, tinataboy ko na rin.



"Hinayaan kitang mapag-isa nung nakaraan, Anasthasia, mag-usap naman tayo 'oh", he said begging me to have a talk with him.



"I don't want to see anyone right now. Just leave me alone", I said. Please, leave me alone, Dionne.



"Maghihintay ako sayo, Thasia. Mahal na mahal kita", and I know na nahihirapan rin siya. Pero hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. I know na nakaalis na siya kaya nagmukmok lang ako sa kwarto.



I heard a knock on my door kaya nagising ako. I glanced at the wall clock and it's already 12 midnight. I sighed and open the door. I saw Dannex infront of me.



"What?", I asked.



"Hindi mo man lang ba 'ko papapasukin?", he replied instead at hindi niya na hinintay ang sagot ko, pumasok na lang agad siya sa loob. I closed the door and eyed him.



"What are you doing here?", I asked him. Kumuha pa siya ng medical book at ini-scan 'yun. "I asked, what the hell are you doing here?", I repeated.



"Mag-usap tayo", he said in a serious tone after he closed the book and gave me a look.



I sat on my bed. "Bakit lahat kayo gustong maka-usap ako? Ayoko nga sabi. Pagod ako Dannex", I replied.



"Lahat kasi kami tinataboy mo kahit nga boyfriend mo pinapaalis mo 'e. Thasia, hindi rin namin ginusto na mawala si lola. Bakit ba nagkakaganyan ka?", he said. I scoffed at him.



"You let her signed the DNR and you fucking gave your consent on that tapos sasabihin mo na hindi niyo ginusto?! Sinong niloloko mo Dannex?", I blurted out.



He breathe enough air first before answering me. "Sinabi na namin sayo, ginusto ni lola 'yun. Bakit ba hindi mo maintindihan?", he asked.



Napatayo na 'ko dahil namumuo na naman ang galit sa buong sistema 'ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit sumuko kayo agad!", I yelled.



"She had a terminal lung cancer, Anasthasia", he said. I was stunned. I didn't know that her cancer was a terminal case. "Ayaw niya ipasabi sayo kasi marami ka na raw pinagdadaanan. She really wanted you to be her doctor. She wanted to fulfill her promise to you, Thasia. And also, she wanted to rest. Gusto na niyang magpahinga sa sakit niya", he added. "Don't torture yourself anymore, Thasia. Hindi mo kasalanan na nawala si lola. Hindi niya magugustuhan kung magtatagal ka sa ganiyang estado", then he stood up and went to my door but before he went out, he uttered his words pa.



"You did your job as a doctor and as a grandchild. Lola is proud of you, always", he said then I heard the door closed.



And another hours passed until the morning came, I shed many tears again.




~•~
-♡

When Heartbeat Stops [COMPLETED]Where stories live. Discover now