Epilogue

286 9 0
                                    


-

"Dionne", tawag niya sa'kin. Hindi ko lubos maisip na makikita siya dito sa Batangas at sa lugar kung sa'n naging saksi ito kung paano kami nagsimula.

Nilapitan ko siya. Gustong-gusto ko na siya yakapin pero naalala ko na may pamilya na siya, may anak na siya at may asawa. Ganito ba talaga kalupit ang tadhana? Na kahit pinagtagpo kami ulit hindi na namin pwedeng subukan pa kasi may pamilya na siya?

Pero mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa kaniya. Niyakap ko siya ng tuluyan. Ilang taon kong tiniis na hindi siya sundan sa ibang bansa. Ilang taon kong tiniis na hindi siya makita. Naghintay ako, hinintay ko na baka bumalik siya. At nang bumalik siya, tuwang-tuwa ako, pero nang malaman ko na pamilyado na siya, sana pala sinundan ko na lang siya sa ibang bansa.

"Mahal na mahal kita, Thasia", bulong ko sa kaniya at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Hinalikan ko ang gilid ng noo niya. "Mahal na mahal kita", sabi ko at binigyan ng dampi ang ilong niya. Napapikit ako dahil ramdam ko ang sakit dahil sa pangalawang pagkakataon, iiwan na naman niya ko dahil hindi na ko ang laman ng puso niya.

"Dionne", bulong niya at nagtama ang mga tingin namin. Pinunasan 'ko ang luhang tumatakas sa mga mata niya. "I'm sorry", dagdag niya. "I'm sorry for not listening. I'm sorry for chosing to run away. I'm sorry-"

"Ssh. You don't have to. Don't cry", sabi ko at niyakap ulit siya. "Hayaan mo lang akong yakapin ka bago ka bumalik sa mag-ama mo. Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya ngayong kaarawan ko...", dagdag ko. "...mahal", at naramdaman ko na naman ang bigat sa dibdib ko.

Saglit siyang kumalas sa yakap. "Mag-ama?", tanong niya.

"Yung nakita ko sa ospital, yung cute na bata tapos yung lalaki", sagot ko. Hindi niya lang alam kung paano ako nagselos nang tawagin siyang 'mommy' nung bata.

Narinig ko ang tawa niya kaya napasimangot ako. "Si Entrice at Miguel?", sabi niya. Tumango ako. "Hindi ko sila mag-ama. Asawa ni Andeng si Miguel at anak nila si Entrice", dagdag niya. Saglit akong natigilan nang marinig ang sinabi niya.

So, single pa siya?

"Paano si Jayen?", tanong ko nang maalala ko na nanliligaw si Jayen sa kaniya.

Natawa na naman siya. "Hindi niya ko nililigawan. May asawa na rin si Jayen", aniya. Lalo akong napasimangot dahil pinag-trip-an ako nung Protacio na 'yun. "And can I hear your side now about what happened on our second anniversary?", tanong niya.

I smiled at umupo muna kami. "Nung time na 'yun, iniwan na kami ni mama. Tumuloy siyang puntahan si papa sa Japan", at nagsisimula na naman bumigat ang dibdib ko nang maalala ko 'yun. "Pagdating niya sa Japan, binugbog siya ni papa. Bakit pa daw siya pumunta 'dun 'e hindi na daw siya mahal ni papa", namumuo ang galit ko. "Nagalit ako kay papa kasi bakit kailangan bugbugin niya si mama? Bakit...", naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"Dionne..."

"Bakit kailangan niyang patayin si mama?", at nagulat si Thasia sa sinabi ko. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo na ang lungkot lungkot ko, Thasia, kasi alam ko na nagluluksa ka pa rin sa pagkawala ng lola mo nang mga panahon na 'yun", nakita ko ang sakit sa mga mata niya. "Nung mga panahon na hindi ako pumapasok sa trabaho, naghanap ako ng mabilis na pagkakakitaan kasi wala na kaming pera 'e. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin si Denise 'nun".

"I'm sorry", she cried.

"Hindi mo kailangan mag-sorry. Kasalanan ko rin dahil nakita mo kami ni Francine sa iisang kama pero hindi ko magagawang lokohin ka. Hindi ko kayang lokohin ka. Mahal na mahal kita 'e".

Niyakap ako ni Thasia. Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal ang babaeng 'to.

"Nang gabi na 'yon, niloko ng agency si Francine kaya naglasing siya pero hindi ako ang naghubad ng mga damit niya, si Len, yung kaibigan ni Denise. Hindi kami nag-sex Thasia. Hindi ko kayang bastusin si Francine at hindi ko magagawang saktan at lokohin ka", and I cupped her face. "And I'm sorry kung hindi ko sinagot lahat ng tawag niyo, ayokong madamay kayo sa pagkalubog ko. And I'm sorry for not explaining my side", sabi ko.

Umiling siya. "No, I'm sorry for letting you experienced that alone. I'm sorry for turning my back to you. I'm sorry Dionne". I rested her head on my chest.

"Being you with me again is beyond enough for me", sabi ko.

"I love you", she whispered.

"Ano ulit?", I asked. Gusto ko lang talaga marinig ulit 'yun mula sa kaniya. Naghintay ako ng pitong taon bago ko ulit marinig 'yun 'ah.

"Mahal na mahal kita", sabi niya. At nakakakilig ngang tunay kapag binigkas iyon sa wikang Filipino.

"Mahal na mahal rin kita". I smiled. "You know what I felt the moment you broke up with me?", I asked.

She looked up at me. "What?", she asked.

"That was the moment when my heartbeat stops", I replied. Natawa siya dahil sa sinabi ko at niyakap ako ng mas mahigpit.

At alam ko, sa susunod na mga araw, linggo, buwan at taon, hinding-hindi ko na bibitawan pa ang kamay ng mahal ko.

And again, Monte Maria witnessed my love story. On how it was started and how it is ended.

With Thasia, I am in peace, I am in love, I am in safe hands.

THE END

~•~
-♡

When Heartbeat Stops [COMPLETED]Where stories live. Discover now