-
"Isang taon na kayo girl tapos wala pa rin nangyayari?", Jayna asked me while we are at the Korean restaurant. Wala kaming trabaho ngayon dahil may gagawin raw sa ospital today pero imbes na nasa bahay ako at naga-aral, Jayna called me and wanted to meet up.
I rolled my eyes. "After the wedding", I told her. Bakit ba kasi gustong-gusto niya na may mangyari sa amin? Gosh, wala pa sa isip ko 'yun and I want to do it after the wedding.
"Girl, El Niño ka", she said.
Kinain ko na lang ang ramyeon ko at di na siya pinansin. After namin kumain, nagpunta pa kaming mall. Namili lang siya ng mga bagong damit dahil luma na raw ang karamihan sa damit niya. "Maganda ba?", she asked when she showed a dress to me. I nodded. Nilagay niya na 'yun sa cart niya, napailing na lang ako.
We roamed around the mall for three more hours, nag-bowling kami at nanood ng sine. We took Grab dahil punuan ang mga taxi. Habang nasa byahe, bumuhos ang ulan. I admire the rain, maybe for other it looks gloomy but for me, it's peaceful. I received a message from Dionne, asking where am I.
To: Dionne
On my way home na.
When we arrived, si Jayna na ang nagbayad dahil sinamahan ko naman daw siya sa mall. Pumasok na 'ko sa bahay at nagpahinga. Nagising ako nang marinig ko ang ingay mula sa labas. I glanced at the wall clock and 7 pm na.
"Antonette, wala 'yun!", I heard papa's voice. Nakarinig pa 'ko na may bumagsak na gamit. What the hell is happening? Agad akong lumabas at nakita ko na nagsisigawan nga sina mama at papa. Nakita 'kong wala ang mga pinsan ko, napansin ko si lola na pinakikinggan lang sila. Nagsisigawan pa sila sa harap ni lola!
"Bernard, hindi ako tanga! 'Wag mo na ako pagmukhaing tanga! Maawa ka naman", mama said and tears started to flow from her eyes. Tinangka pa ni papa na lapitan si mama pero nakatanggap lang siya ng sampal mula rito. "Ayokong makita ang pagmumukha mo", she said then went inside their room. Tiningnan ako ni papa at binigyan ako ng malungkot na ngiti.
At that night, sina Dannex at Andeng lang ang nagpapabuhay sa bahay. Hindi ko alam ang nangyari, kung bakit sila nagsigawan, kung bakit umiyak si mama at kung bakit sila nag-away. Hindi lumabas si mama hanggang kinabukasan, maaga ako nagising kaya I prepared breakfast for them.
"Eat ka na mama. I love you :)".
I left that note on the table then nagready na 'ko para pumasok sa trabaho. Nang makarating sa ospital, I quickly wear my doctor's gown and went in the ER. I focus on my job, inalis ko sa isip ko ang nangyari kagabi dahil kung magpapaapekto ako mas maaapektuhan ang trabaho ko. As much as possible, lahat ng pasyente, I monitored them well.
"Okay ka lang po ba doc?", Nurse Fe asked when she saw me. I nodded at her and gave her a smile para hindi na siya mag-alala. Bumalik ako sa trabaho ko, hindi ako tumigil hangga't hindi ko natatapos ang duty ko. Hindi ko nakita lahat ng intern ngayon dahil kailangan daw sila sa isang event. After my duty, nagpaalam na 'ko kina Jayna, Fe and Karlo. Umuwi agad ako sa bahay at narinig na naman na may sumisigaw. I sighed before going inside.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, Bernard! Ano?! Hindi ka pa ba kuntento sa buhay natin ngayon at pumatol ka pa sa katrabaho mo?", mama shouted at papa's face. Nakita ko sina Dannex at Andeng na tahimik lang habang si Gal ay nagbabasa pa rin ng napaka-kapal na libro niya.
"Si lola?", I asked Andeng.
"Nasa kwarto", she replied. Nagbatuhan pa sila ng mga salita, pumasok na 'ko sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko dahil nagtext si Dionne.
YOU ARE READING
When Heartbeat Stops [COMPLETED]
RomanceA doctor with passion, moral, responsibility had an oath infront of the crowd and to herself - "Patients first, cure them rest". 'A doctor will always be a doctor' and she herself has a fear when her patients' heartbeat stops. STARTED: May 24, 2020 ...