CHAPTER 8
[ WITH HIM 2 ]
Nagising si Vanessa nang may naramdaman siyang dumampi sa kanyang labi. Pag mulat niya ng kanyang mata bumungad sa kanya ang dalawang pares ng kulay berdeng mata ni Arris na seryosong nakatingin sa kanya. Nakapaskil ang isang nakakalokong ngiti nito sa mapulang at katakam takam nitong labi.
Pigil hininga si Vanessa yakap siya ngayon ni Arris. Hindi niya maialis ang mga mata sa mukha ng binata. Agaw atensyon ang peklat nito sa kanang pisngi. Pinakatitigan iyon ni Vanessa inangat ang isang kamay para hawakan ang parteng iyon. Hindi naman nag iba ng posisyon si Arris hinayaan lang nito ang nais niyang gawin. Pumikit si Arris nang dumampi na ang mga daliri nito sa pisngi niya.
Puno ng kuryosidad ang isipan ni Vanessa kung paano iyon nakuha ni Arris. Pinasadahan nito ng haplos ang bawat parte ng mukha nito. Sa makapal nitong kilay, matangos na ilong kapansin pansin din ang makapal nitong pilik mata. Nanatiling nakapikit si Arris hindi maipagkakaila na magandang lalaki si Arris all of his features are damn good quality ang peklat lamang ang kapintasan nito ngunit parang may hawig ito Kay Luiz mata lang at ang peklat ang pinagkaiba.
"Are you done admiring me sweets" sabi ni Arris sumilay na uli ang berde nitong mga mata.Doon pa lang tumigil si Vanessa sa mga iniisip hawak pa din nito ang pisngi ni Arris.
"Ahhmn .. Asan na tayo?" Tanong ni Vanessa at akmang aalis na ito sa pag kakayakap kay Arris ng pigilan siya nito nanlaki ang mata ni Vanessa lalo na ng hawakan ni Arris ang batok niya habang ang isang braso nito at naka suporta sa kanyang likod.
"Arris..." Tawag niya sa pangalan ng binata ngunit tila walang naririnig si Arris. He just focus on looking on her... Lips. A desire to kiss her was visible shown on his face
Unti unting inilapit ni Arris ang mukha Kay Vanessa.. habang ang mga mata nito'y sabik na nakatingin sa labi ng dalaga.
Arris can't take it anymore and he kiss Vanessa at Hindi lang ito simpleng halik. Mariin at agresibo niyang hinalikan ang mga labi nitong sobrang lambot. Tila ba mababaliw ka sa bawat dampi lalo na ng maramdaman niyang tumutugon ang dalaga sa halik niya . Napakapit si Vanessa sa batok ni Arris this kiss was so damn good that either both of them don't want to let go..
"Ayy.. Jusmio mga bata kayo! "
Naputol ang halik ng may nag salita agad na nag hiwalay ang dalawa
"Sa susunod pipili kayo ng lugar" sabi ng Lola at naupo na sa upuan nito habang napapailing dahil sa nasaksihan at napangiti na lang
Pulang pula ang mukha ni Vanessa nang tignan iyon ni Arris wala naman sana siyang balak halikan ang dalaga gigisingin lang sana niya ito ngunit sadyang mahirap iwasan ang temptasyon lalo na kung ang babaeng mahal mo ang kasama mo.
Nasa bus stop na sila mabuti nalang walang gaanong nakakita nung halikan nilang dalawa.
"I'm sorry sweets" inirapan lamang siya ng dalaga na hanggang ngayon kulay kamatis pa din ang mukha dahil sa hiya
"Saka muna ako pagalitan we need to eat I'm starving " sabi niya at hinila ito palabas ng bus
Pag labas pa lamang ng pinto bumungad sa kanila ang malamig na simoy ng hangin. Madaling araw na pala
"Sweets ah .. I don't know where to go. Please come back on track or do you need more of my kiss so you'll get back on your senses" naka ngising suhestiyon ni Arris tanging batok lamang sa ulo ang natamo niya
Nang mag umpisang lumakad ang dalaga nakasunod lang si Arris sa bawat galaw nito. Pumasok ang dalaga sa isang "Gotohan" kumunot ang noo ni Arris its his first time going in a place like this
"Ate dalawang goto nga po yung may itlog" sabi ni Vanessa nakamasid lamang si Arris sa bawat gawin nito
"Heto na iha" sabi ng may edad na babae at ngumiti agad namang kinuha ng dalaga ang isang mangkok na may lamang "Goto?" May isang buong nilagang itlog din ito at iniabot sa kanya
Nakatingin lang si Arris sa mangkok sa harapan niya Hindi alam kung anong susunod na gagawin. Nag umpisa nang maglagay ng kung ano ang dalaga sa pag kain niya base sa nakikita ni Arris sanay sa ganitong klase ng pag kain si Vanessa.
"Uy! Kumain kana dalian mo maiiwan tayo ng bus sa kupad mo eh" agad namang kinuha ni Arris ang kutsara at kumain ngunit isang subo pa lang at halos mangiwi na siya wala kaseng lasa.
"Sweets? What kind of food is this I can't taste anything. Hindi masarap" huminto sa pag kain si Vanessa at tinignan ang mangkok niya at napailing nalang ang dalaga at inumpisahang lagyan nang kung ano ang pag kain niya. Hindi naman maiwasang mapangiwi ni Arris
He doesn't have any idea kung ano ang mga nilalagay ng dalaga
"What is that? Is that safe to eat? " turo nito sa hiwa ng laman loob
"Oo naman oh yan okay na iyan kumain kana dali.." Agad namang tumalima si Arris isang subo pa lang ginanahan ito 'masarap pala' sabi niya sa isip .
Pag katapos kumain sinamahan muna ni Arris si Vanessa mag banyo. Muntik pa niyang masuntok ang lalaki na nang hihingi ng limang piso bayad daw yun pag gumamit ng banyo. Akala kase niya niloloko siya nito mabuti nalang nandun si Vanessa para ipaliwanag
Pag katapos ay bumalik na sila sa loob ng bus. Ang ibang pasahero at nag umpisa na ding bumalik
"Nilalamig kaba?" Tanong niya kay Vanessa na yakap ang mga braso.
"Halika dito" at niyakap niya ang dalaga para maibsan ang lamig hindi naman tumutol si Vanessa
Ilang minuto pa ang lumipas ay umandar na uli ang bus nakamasid silang pareho sa bintana. Madilim pa ang paligid tanging mga street lights lang at ilang mini mart ang makikita mo.
"I'm sleepy sweets" sambit ni Arris
"Tara tulog muna tayo pag sikat ng araw andoon na tayo. " mahinahong sabi ng dalaga at ipinikit na ni Arris ang mga mata hinayaang tangayin ng antok saka na muna niya iisipin ang mga kaguluhan idudulot ng ginawa niya. Sa ngayon nais na muna niyang namnamin ang sandaling ito kapiling ang babaeng matagal na niyang pinapangarap na maging kanya.
Thanks for reads and support❣
-Love could make you do any stupid ideas just to be with the someone you love ❤
🌻❄
YOU ARE READING
MS. SECRETARY - On going
RandomMATURE CONTENT INSIDE!!! Unang kita pa lang ni Luiz kay Vanessa ay nabighani na ito sa angkin niya natural na ganda na kinalaunay nauwi sa pagiging obsess nito sa dalaga. But when Luiz confess his love for her the feelings not mutual. Hanggang isa...