CHAPTER 23

12 1 0
                                    

CHAPTER  23  #SECRETARY

[  TRUTH AND TRUST ]

Isang linggo na ang nakalipas simula ng umalis kami ni Chuna sa mansion hinatid kami ng driver ni Arris hindi na siya sumama noon dahil may importante siyang aasikasuhin.

Bago kami umalis niyakap ako ng mahigpit ni Arris tila ayaw na akong paalisin.

"Sweets, promise me you'll still love me no matter what happen." 

"Oy! Ihahatid ko lang naman si Chuna bakit kung mag salita ka parang 'di na 'ko babalik?"

Sabi ko habang magkayakap mas lalo lang hinigpitan ni Arris ang pagkayakap sa 'kin.

"Huwag ka ng malungkot d'yan babalik din naman ako dito sa mansion eh."

"Mahal na mahal kita Vanessa, sana mapatawad mo 'ko"

Pag katapos sabihin iyon ni Arris ay bumitaw na siya sa pag kayakap sakin siya namang tawag sa'kin ng kapatid ko.

Nang makasakay na'ko sa Van malungkot na nakatanaw si Arris sa amin at kumaway pa may kaba akong nararamdaman ngunit isinantabi ko na lang.

Ngayo'y nandito ko sa mansion sa loob ng isang linggo hindi ko man lang nasilayan si Arris. Nag tanong pa 'ko sa mga maid pero 'di din nila alam kung nasaan.

Sa loob ng isang linggo sinubukan kong tawagan  siya ngunit cannot be reach. Si Claire naman 'di ko din matawagan tanging text lang ng manager ng restaurant ang natanggap ko tanggal na daw ako sa trabaho labis akong nagulat balak ko sanang mag punta roon para malaman kung bakit ng biglang may tumawag na unregistered number.

"Hello sino 'to?"

"My Queen, miss me?" Agad ko namang nabosesan kung sino ang may ari ng baritonong boses na 'yon.

"Anong kailangan mo sa 'kin? 'Di pa ba sapat sa'yo na tanggal na 'ko sa trabaho?" Bakas ang labis na galit sa boses ko ngayon nanggigil talaga ko sa lalaking ito.

"Don't worry I have a new work for you. Be my secretary go here at Adkins Enterprises and will talk about it, and I don't take no for an answer."

Then the call ended napahigpit ang hawak ko sa cellphone

"Akala niya susundin ko siya manigas siya! "

"Madam may tao po sa baba hinahanap kayo" sabi ng isang maid na siya namang ipinagtaka ko

'Sino kaya 'yon?'

Muli na namang tumunog ang cellphone ko at tumatawag na naman si Luiz 'di ko na lang sinagot at bumaba na. Nang marating ko ang sala bumungad sa 'kin ang best friend ko.

Gulong gulo ang buhok nitong dati ay lagi nakaayos. Ang itsura nito ay mukhang miserable gusot gusot ang damit at tulirong tuliro habang 'di mapakali sa inupuan.

"Claire! Anong nangyari sa'yo?" Saka ko hinawakan ang balikat niya para iharap sa'kin

"Vanessa, makinig ka halika na umalis na tayo dito" sabay hatak sa'kin palabas

"Wait! Claire sabihin mo muna sa'kin kung anong nangyari? At bakit nagmamadali kang umalis tayo?"

"Kulang na tayo sa oras Vanessa pag nalaman niyang andito ako---

(PHONE RINGS)

Naputol ang dapat sasabihin ni Claire nang tumunog ang telepono ko agad kong dinukot iyon sa bulsa ng aking pantalon.

Luiz calling

Agad na hinablot ni Claire ang ang telepono at pinatay ang tawag.

"Huwag mong sagutin ang tawag ng Luiz na 'yon. Halika kana Vanessa malamang malalaman na niyang andito ko"

Saka ulit ako hinila palabas ngunit hinila ko pabalik ang aking kamay

"Teka? Anong meron kay Luiz? Siya bang may gawa nito sa'yo?" Tumango lang si Claire bilang sagot na ikinainit lalo ng dugo ko.

"F*ck him! Bait baitan lang pala ang taong 'yon demonyo pala--- sandali tatawagan ko uli si Arris matutulungan niya tayo"

Pero bago ko pa man ma dial ang numero ni Arris nag salita si Claire na siya namang ikinabigla ko at nalaglag ang hawak kong telepono.

"Si Arris at Luiz ay iisa Vanessa, matagal ka ng niloloko ng lalaking 'yon"

Labis akong nabigla sa nalaman ayaw pa ngang maniwala ng isip ko sa sinabi ni Claire. Bigla kong naalala ang larawang nakita ko sa kuwarto ni Arris or should I say ni Luiz.

Tinalikuran ko si Claire at nagmamadaling tumakbo patungong ikalawang palapag naramdaman ko ang presensiya ni Claire sa likod ko.

"Vanessa! Saan kaba pupunta?!"

"May kailangan lang kong makita"

Agad kong binuksan ang pinto ng kuwarto ni Arris at lumapit sa cabinet at binuksan ito. Mabilis kong binuklat ang laman ng brown na envelope at tinignan isa-isa ang mga larawan bawat pag lipat ko ng picture ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Pero isa lang ang nangibabaw 'galit' dahil sa panlolokong ginawa niya sa'kin at pananakit sa bestfriend ko.

'Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko naramdaman ko ang kamay ni Claire na hinahagod ang likod ko.

"Umalis na tayo Vanessa"

Binalik ko sa envelope ang mga larawan at ibinalik sa cabinet saka kami umalis ni Claire nang kuwarto dala ang bag ko. Dali dali kaming bumaba ng hagdan.

At nagmamadaling lumabas ng mansion ngunit bago pa man kami makarating ng gate hinarang na kami ng dalawang guwardiya.

"Madam hindi po kayo puwedeng lumabas sabi ni Master Arris"

"Wala kayong karapatang pag bawalan ako! At sabihin mo diyan sa Amo mong tapos na kami!"

At nilihisan ko ang dalawang lalaki ngunit hinawakan ako nito sa braso 

"Bitawan mo ako!"

"Vanessa!" Napalingon ako kay Claire hawak na rin siya ng isang lalaki.

Nagpumiglas ako dahilan para mabitawan ko ang bag na dala ko.

Sinipa ko ang pagitan ng hita ng lalaki dahilan para mabitawan niya ang braso ko at namilipit sa sakit 'di pako nakuntento at sinipa ito ng malakas sa dibdib.

"Takbo Vanessa!" Sigaw ni Claire na agad ko namang sinunod hinayaan ko na ang bag. Ilang sandali pa ay hinahabol na kami ng dalawang lalaki.

Hinihingal na kami ni Claire ngunit hindi kami tumigil hanggang sa makalayo kami.

Nang nasa highway na kami wala man lang dumaan na taxi. Pag lingon namin ay malapit na ang dalawang lalaki at may dalang baril.

Kumaripas uli kami ni Claire nang takbo lalo kaming natuliro ng may magpaputok ng baril.

"Ahhh!" Parehas kaming napatili ni Claire

"Hop in"

Napahinto kami sa pagtakbo at napalingon sa lalaking nagmamaneho.

"Faster ladies!"

The guy immediately drove away. Habol namin ni Claire ang hininga dahil sa pagtakbo.

"Ahhhhh!!" Tili namin ni Claire ng makarinig uli ng putok ng baril narinig pa naming nag mura ang lalaki.

"Shit!"

Nang tuluyan na kaming makalayo saka palang nakalma ng kaunti ang utak ko.

"I'm curious kung anong ginawa niyong dalawa para habulin ng dalawang armadong lalaki but for now I'll let it pass. I'll take you both in safe place."

"Salamat"

Sambit ko nagsalita ulit ang lalaki na ikinabahala ko.

"Its not for free may bayad ang pagtulong ko."

Pagkatapos marinig iyon binalot na kami ng katahimikan. Hinawakan naman ng mahigpit ni Claire ang kamay ko yinakap ko siya at tuluyan ng tumulo ang mga luhang dulot ng sakit at poot.

WP: SnowDemetrix88
Lots of errors are ahead (tamad mag edit ih😂) sorry✌✌

MS. SECRETARY - On going Where stories live. Discover now