CHAPTER 5
[ UNEXPECTED CALL ]
Pag katapos ng pag uusap nila ni Luiz sa opisina nag patuloy na sa trabaho si Vanessa. Habang nag serve ng pag kain nakita niya ang binata na palabas ng Restaurant ni hindi man lang siya nilingon nito.
Pagod sa mag hapong trabaho si Vanessa pati din ang isip niya pagod dahil sa mga nangyari.
Lalo na ang nakaw na halik sa kanya ni Luiz. Noon pa man nag papahayag na ito ng damdamin sa kanya at lagi lang nito iyong binabalewala
Aaminin niya gwapo si Luiz siya din yung tipo ng lalaki na pag ngumiti akala mo pang Hollywood. Magalang at mapag mahal din ito sa magulang.
Ang estado nila sa buhay ay sobrang layo. Ang mga lalaking katulad ni Luiz ay dapat sa mga babaeng Katulad ni Alona.
Makinis, Mayaman Kilala sa lipunan, modelo at ang damit ay akala mong aatend lagi ng okasyon.
Sa madaling salita hindi nababagay ang tulad niya sa mundong ginagalawan ng binata. At kahit na kailanman ayaw niyang mag karoon ng atraksyon sa binata.
"Uy! Tara kain na " tawag sa kanya ni Claire kaya nahinto siya sa pag iisip. Agad namang tumayo sa pag kakaupo si Vanessa at nagtungo sa kusina.Naabutan niya si Claire na maganang kumakain
"Tara Vans baka pumayat ka niyan sarap pa nman ng luto ko oh. Adobong manok "
At tinapik tapik pa nito ang bakanteng upuan sa tabi nito. Pag kaupo ni Vanessa agad itong nag sandok ng sariling pag kain.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng magtanong si Claire.
" Vans may nakapagsabi sakin na pinatawag ka raw ni Sir Luiz "
Awtomatikong napalingon si Vanessa Kay Claire
"Anong pinagusapan niyo? Sinaktan kaba niya?"
Nag aalalang tanong ni Claire. Tinapos muna ni Vanessa ang nguya at uminom ng tubig saka sumagot
"Okay lang naman, Hindi naman niya ako sinaktan huwag Kang mag alala "
"Sigurado ka? "
"Oo naman "
(PHONE RINGS )
Agad na kinuha ni Vanessa ang cellphone sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag
UNKNOWN NUMBER
Nagtataka man sinagot naman niya ang tanong para malaman kung sino iyon.
"Hello sino po ito? "
"Its me Arris. How are you feeling now sweets? "
Kinilabutan si Vanessa ,marinig pa lang ang boses nito ay nag tatayuan na ang balahibo nito
Tumayo si Vanessa mula sa pag kakaupo at nagtungo sa kanyang silid. Hindi na niya pinansin ang kaibigan na tinatanong kung sino ang tumatawag
"Ano na nmang kailangan mo sakin?"
Tanong ni Vanessa sa kabilang linya ng makapasok ito sa kanyang silid."I just wanna know what's your condition" Arris said in his cold hard voice
"Do you ate those fruits I sent for you?" Napalingon si Vanessa sa mga prutas na nakapatong sa mesa na katabi lamang ng kanyang higaan
"Oo salamat "
"Good"
"Paano mo nalaman ang cellphone number ko?" Balik tanong ni Vanessa
"I always have my ways sweets. I heard that your Boss son is bothering today "
Kumunot ang noo ng dalaga
"Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyan?" "Do you like him? " hindi pinansin ni Arris ang tanong niya " I don't like him why would I? "
YOU ARE READING
MS. SECRETARY - On going
AléatoireMATURE CONTENT INSIDE!!! Unang kita pa lang ni Luiz kay Vanessa ay nabighani na ito sa angkin niya natural na ganda na kinalaunay nauwi sa pagiging obsess nito sa dalaga. But when Luiz confess his love for her the feelings not mutual. Hanggang isa...