CHAPTER 13

10 0 0
                                    

CHAPTER 13

[ MEETING CHUNA ]

Kinabukasan nag punta na sila ni Arris sa hospital para bisitahin ang bunso niyang kapatid. Bago umalis nag luto muna siya ng makakain siguradong gutom na sila. Nag prisinta din ang binata na tulungan siya sa kusina at hinayaan niya naman ang binata.

Sa loob ng isang oras niyang pag luluto nakamasid lang si Arris sa kanya sinusundan ng tingin bawat kilos niya kaya halos mailang na siya sa bawat tingin nito.

"Arris tumigil ka nga sa kakatingin diyan naaasiwa ako" sita niya sa binata

"Sweets kanino pa ba ako titingin dalawa lang naman tayo dito sa kusina and besides I'm amused watching you while doing everything like a pro!" Sagot ni Arris at ngumiti ng malapad

Napailing na lang siya at di na tumutol pa. After cooking and preparing the food ay sumakay ulit sila sa tricycle papuntang hospital. Mga isa at kalahating oras ang layo niyon sa kanila kaya matagal tagal din ang biyahe nila.

"Sweets I think I should just bring my car . Mas mabilis sana tayong makakarating" suhestiyon ni Arris habang nakatanaw sa mga bahay at bukid sa palagid.

"Sino ba kasing bigla na lang susulpot at sasabihin susundan ako kahit saan" puno ng sarkasmong sagot niya sa binata. Agad na lumingon sa gawi niya si Arris

"I don't regret coming here with you sweets. Never... I'm just suggesting"

She rolled her eyes " Ang sabihin mo naiinip kana. Puro na lang bukid at tricycle ang nakikita mo"

"Sweets why would I get bored? I'm with you. Ang makita ka araw-araw ay sapat na para sumaya ako ng lubos. Ang makasama ka bawat oras ay tila isang panaginip at ayoko ng matapos pa.." 

Namula ang pisnge ni Vanessa sinabi iyon ni Arris sa kanya habang nakatingin sa kanya ng diretso.

"You look so stunning every time you blush" sambit ulit ng binata at hinaplos ang pisngi niya. Umiwas siya ng tingin ayan na naman ang puso niyang nagwawala tuwing may sinasabi si Arris. Nag tataka na siya sa sarili niya simpleng salita lang naman 'yon ay halos di na siya makaimik.

Nanahimik na lang din silang dalawa. Sa loob ng isang oras na biyahe binusog na lang ni Arris ang mga mata sa mga nakikita sa paligid. Lalo na sa mga bata na nagtatakbuhan at sa mga simpleng bahay. Pa minsan minsan ay sumusulyap siya Kay Vanessa na tahimik lang din sa tabi niya. Kinuha niya ang kamay ng dalaga and he intertwined his fingers with her. Sobrang lamig ng kamay ni Vanessa kaya napalingon siya sa dalaga.

"Sweets are you okay? Ang lamig ng kamay mo. Kinakabahan kaba?" Malambing na tanong niya rito tanging tango lang ang ginawa ng dalaga bilang tugon sa tanong niya.

"Andito lang ako sweets, I won't disappoint your parents kung 'yon ang ikinababahala mo" at marahan nitong minasahe ang kamay ng dalaga para maibsan ang kabang nararamdaman nito.

*****

"Tay! Na miss ko po kayo" sabi ni Vanessa at niyakap ng mahigpit ang kanyang Ama ng maka lapit ito. Bakas ang labis na pangungulila at saya sa mukha ng Ama nang makita siyang palapit. Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa kanya nito bago nag salita.

"Anak mabuti naman at nakauwi ka. Lagi kang hinahanap ni Chuna" turan ng Ama at napalingon ito sa katabi niyang si Arris.

"Magandang umaga po" magalang na bati ng binata at nag mano sa kanyang Ama.  "Vanessa sino ba itong kasama mo ipakilala mo? naman samin ng mama mo"

"Ah eh Tay siya po si Arris. Asan  po si Mama?" Pag iiba niya ng usapan hindi niya alam kung paano sabihin sa Ama na pekeng Kasintahan niya si Arris. Sigurado madami iyong magiging tanong at hindi pa siya handa para roon.

MS. SECRETARY - On going Where stories live. Discover now