CHAPTER 15

10 0 0
                                    

CHAPTER 15

SAME BED ]

Kinagabihan ang lahat ay nasa sala ang mga magulang niya si Arris at siya. Habang si Chuna ay nasa silid na nito at nag papahinga na dahil alas otso na ng gabi. Ang Nanay at Tatay niya ay nasa mahabang upuan at sila naman ni Arris ay mag katabi ding nakaupo sa katapat  din ng mga magulang niya.

Halos di na siya makahinga siguradong gigisahin sila ng mga magulang niya. Malamig na din ang pawis niya sa kamay. "Ehem..." Agaw atensiyon na turan ng kanyang Ama

"Vanessa mag bebente singko kana nasa tamang edad kana para mag desisyon para sa sarili mo. Kung talagang mahal mo si Arris ay hindi na kami tututol ng Nanay mo." Sabi ng kanyang Ama

Sumasakit na ang ulo niya Hindi naman kasi niya kasintahan ang binata. Nag karoon lang ng isang pag kakamali kaya heto sila ngayon . At kung tutuusin si Arris ang may kasalanan ng lahat ng ito.

"Saka excited na kaming mag ka apo.." Bakas ang kasiyahan sa boses ng Ina niya habang sinasabi iyon. Namutla si Vanessa dahil sa narinig "Apo?" Sabi niya sa isip habang si Arris naman ay parang wala lang epekto sa kanya ang mga naririnig. Kinuha ng binata ang kamay at pinisil pisil iyon. Syempre kitang kita iyon ng mga magulang niya na mukhang nasisiyahan pa sa nakikita

"Huwag po kayong mag alala aalagaan ko po ang anak niyo. At tungkol sa apo eh mapag uusapan naman po iyon pag katapos ng kasal." Napalingon siya sa binata at di makapaniwala sa sinabi nito. Una apo ngayon naman kasal! Agad ibig sabihin may balak talaga si Arris na seryosohin siya.

"Anak ayos ka lang? Namumutla kana?" Tanong ng kanyang Ina

"O ookay lang ako Nay" at ngumiti siya sa Ina. "Gaano na ba kayo katagal na mag kasintahan ng anak ko" tanong ng kanyang Ama kay Arris

"Mga isang taon na po kami" mabilis na sagot ni Arris. Patawarin sana sila ng Diyos sa mga kasinungalingan nila ngayon

"Isang taon?!.. Ang tagal na pala bakit hindi mo agad sinabi samin ng Nanay mo" naka tingin sa kanya ang Ama habang nag tatanong. Halatang gulat ito ang alam kase nila ay wala siyang napupusuang lalaki. Tapos heto sila ni Arris nag papakilalang mag kasintahan at isang taon na. Kailangan niyang galingan ang sagot. "Ah eh bago pala kami no'n pa kaya hindi ko muna pinaalam sa inyo"

"Hayaan muna ang anak mo ang importante eh sinabi din niya. At ngayon may mag aalaga na sa kanya doon diba? Hindi na tayo mag aalala sa kalagayan niya" paliwanag ng kanyang Ina sa Ama niya. Hindi niya lubos akalaing kalmado lang ang mga ito. Pag katapos ay humarap uli kay Arris

"Alagaan mo ang anak namin. Huwag kang gagawa ng mga desisyon na makakasakit kay Vanessa. Buo ang tiwalang ibibigay namin sa'yo kahit na ngayon ka pa lang namin nakilala"

"My feelings for your daughter is real and sincere Madam. I don't wanna loose a precious gem like her. She's my everything from the start"  while Arris saying those words. Naka tingin si Vanessa sa mukha ng binata. And he looks determined Vanessa can't help asking herself. " Ano bang nagawa ko para magustuhan mo 'ko ng ganto?"

*****

"Ahhmn mauna kanang matulog Hindi pa naman ako inaantok"   sabi ni Vanessa.

Andito na sila ngayon sa kwarto ng dalaga. Pag katapos ng pag uusap nila kanina sa sala ay dito siya pinatulog ng Nanay ni Vanessa. Ayaw sana niyang matulog sa kwarto ng dalaga. Ngunit sadyang mapilit ang Ina nito; nag prisinta siyang sa sala nalang matulog gaya ng una. "Malamok sa sala Hijo at hindi ka magiging kumportablesabi ng Ina ni Vanessa "Madam---" hindi pa natatapos ang sasabihin niya ng mag salita ulit ang Ginang

MS. SECRETARY - On going Where stories live. Discover now