CHAPTER 9

12 0 0
                                    

CHAPTER 9

[ PRETEND ]

Ginising ni Vanessa si Arris na mahimbing na natutulog. Andito na sila sa probinsya wala pa ding pinagbago ganoon pa din.

"Arris ...uyyy gising andito na tayo" sabi niya sabay tapik sa balikat ng binata. Minulat naman nito ang isang mata tas umunat at kinusot ang mata at tumingin sa kanya sabay sabi sa inaantok na boses

"Good morning My Queen" nagulat si Vanessa si Luiz lamang ang tumatawag sa kanya ng ganoon at hindi niya inaasahang babangitin iyon ni Arris. Isinawalang bahala nalang ni Vanessa iyon at tumayo na sa pag kakaupo.

"Wala man lang bang good morning kiss jan?" Panunudyo ni Arris

"Suntok meron gusto mo?" Sabi niya at kinuha ang travel bag at nauna ng bumaba iniwan niya si Arris sa loob

"Sweets! Wait for me"  wika ni Arris at sumunod sa kanya. Huminto si Vanessa at pinagmasdan ang paligid isang taon na din ang naka lipas ng una niyang lisanin ang lugar na ito; kung hindi pa nag kasakit ang kapatid niyang si Chuna baka mas matagalan pa siya bago makauwi.

"So where we go next?" Tanong ni Arris nilingon ng dalaga si Arris

"Anong 'we' mag isa lang akong uuwi samin bahala kang mag hanap ng matutuluyan mo" nalukot ang mukha ni Arris at maya pa'y nag paamo ito ng mukha habang nakatingin sa kanya

"Sweets... Alam mo namang wala akong kakilala dito eh. And I'm not familiar on this place. Saka.. hindi naman siguro magagalit sila mama kung doon ako sa inyo mag stay... For sure payag yun para makilala naman nila ang 'Future son in law nila' " Siguradong kulay kamatis na naman ang pisngi niya dahil sa mga narinig niya sa binata. Ang taas talaga ng self confidence nito.

"Anong future future son in law ka jan... Manahimik ka nga Arris baka masakal na kita eh... Ang hangin mo masyado" Tumawa lang ang binata 'pati tawa nito nakakaakit' sabi ng isip niya. Umiling si Vanessa kung ano na naman ang naiisip niya

"Sweets.. Calm down it's early in morning. Huwag ka masyadong high blood take it easy.. Well kung ayaw mo akong mag stay sa inyo then I'll check in sa hotel.. Kaso baka mawala ako... At hindi ko alam ang bahay niyo.. "

Sambit ni Arris at hinawakan ng binata ang kamay niya

"please let me stay there, promise I'll behave at gusto kong andun ako palagi sa tabi mo so that I could help you right away"

"O-oo na!" Tanging dalawang kataga lang ang nabanggit niya pero labis na kaba ang nararamdaman niya dahil doon. Ngayon pa lang dapat makaisip na siya ng dahilan sa mga magulang niya.

Hawak pa din ni Arris ang kamay niya sa sobrang saya ng binata hinahalik halikan pa nito ang kamay niya. Ang ibang tao tuloy napapalingon sa kanila. Mabilis niyang binawi ang kamay niya para matigil ang binata sa ginagawa nito

"Ano ba Arris umayos ka nga. Anong sasabihin ko kila Nanay at Tatay niyan?" Sabi nito at nag lakad sinundan naman siya ni Arris

"Sandali.. Ako na mag buhat niyang bag na yan" saka kinuha ni Arris ang travel bag niya pag katapos patuloy na nag lakad

"Saan ba tayo pupunta" tanong ni Arris lumingon siya sa binata at
"Sa bahay kaya humanda kana" linapitan niyang nakaparadang tricycle "Manong sa Zamora core Shelter nga po " at sumakay na siya sa loob si Arris na may nasa labas pa din nakatayo at hindi maipinta ang mukha

"Arris halika na! Sakay na" agad namang tumalima ang binata at tumabi sa kanya sa loob

"This is my first time riding this. Usually I use my car..." Sabi ni Arris tumingin lang siya sa binata pinagmamasdan ang mukha nito habang nakamasid sa paligid.. Paminsan minsan nangingiti ito pag may nakitang mga batang naglalaro sa gilid ng kalasada

MS. SECRETARY - On going Where stories live. Discover now