PROLOGUE

57 8 1
                                    

Nakangiti ako ngunit taksil ang aking mga luha. Tumutulo ito habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa aking lalaking minamahal na nasa altar. Katulad ko ay nangingilid din ang luha n'ya, tila ba naiiyak sa saya. All my life, ngayon ko lang naranasan ang ganito kasaya. Napakasarap sa damdamin na malaman mong ikakasal kana sa taong mahal mo.

Nang makarating sa harap ng altar ay ibinigay ako ni mommy at daddy kay Jaxel. Napalalaki ng ngiti nito habang tinititigan ako.

"You're so beautiful." hindi ko maiwasang mamula sa puri n'ya.

"Ano kaba? H'wag mo nga akong binibola." ani ko atsaka bahagya s'yang kinurot sa braso.

"Mahirap magbiro kapag totoo ang sinasabi ko." saad n'ya, "maganda ka. Ikaw lang ang maganda sa paningin mo."

Pinalo ko s'ya sa sobrang kilig na nararamdaman. Napakaswerte ko talaga na akin s'ya.

Nang makarating kaming dalawa sa altar ay itinuon namin ang atensyon sa pari na nagsasalita. Walang segundo na hindi ako tinitignan ni Jaxel kaya nangingiti na lang ako.

"You may now kiss the bride." ani ng pari.

Humarap si Jaxel sa akin, humarap din ako sa kanya. Nakangiti n'yang hinawakan ang baba ko atsaka dahan-dahan n'yang inilapit ang kanyang ulo. Ininguso ko ang aking labi atsaka pumikit, hinihintay lumapat ang kanyang labi.

Nabalik ako sa ulirat ng may pumitik sa nguso ko.

"Aray!" singhal ko atsaka sinamaan ng tingin ang taong gumawa noon.

"Ano? Masakit?" tanong ni Jaxel, ang boyfriend ko.

"Malamang! Pitikin ko din iyang nguso mo, e." asik ko.

"Paano kasing hindi pipitikin, kanina pa kita kinakausap pero nakapikit ka lang at nakanguso. Ano ba iniisip mo?" nakangising tanong n'ya.

Namula ang mukha ko sa kahihiyan. Ano na lang ang sasabihin n'ya kung sasabihin kong ini-imagine kong kinakasal kaming dalawa? Ugh, nakakainis.

"Wala kana d'on!" sigaw ko sa kanya atsaka s'ya hinampas.

"Aray! Tama na! Tumigil kana." saad n'ya kaya tinigilan ko na s'ya. "Halika na lang dito." aya n'ya sa akin.

Umupo s'ya sa upuan, katapat lang ng piano. Pumindot s'ya sa keyboard n'on. Masarap sa pandinig ang mga notang nagagawa n'ya kaya naman umupo ako sa tabi n'ya. Tumingin s'ya sa akin, tinigil n'ya ang pagpipindot doon at yinakap ako.

"Hmm, bakit?" tanong ko.

Tumingin s'ya sa akin, pinatakan muna n'ya ako ng isang halik sa labi bago s'ya nagsalita.

"Kanta ka." saad n'ya.

"What?" tanong ko ulit.

Natawa ako ng bumusangot ang mukha n'ya.

"Kumanta ka, tutugtog ako." aniya.

Hinaplos ko ang pisngi n'ya.

"Sige."

Tumingin muna s'ya sa akin bago pumindot sa keyboard. Hinanda ko ang boses ko ng mag-umpisa sya.

Before you go: Ysabel Cuevas (cover)

'I fell by the wayside like everyone else.
I hate you, I hate you, I hate you but I was just kidding myself
Our every moment, I start to replace
'Cause now that they're gone, all I hear are the words that I needed to say

When you hurt under the surface
Like troubled water running cold
Well, time can heal, but this won't

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon