Chapter 19

3 0 0
                                    

Ilang taon na ang lumipas, wala na kami sa elementarya. 4th year highschool na kami nila Mariah. Katulad ng dati, magkaklase kami ulit nila Mariah at Jaxel. Ilang taon na ang lumipas pero ganoon pa rin ang pang-aasar sa akin ni Jaxel palagi. Talagang hindi yata siya mabubuhay ng hindi ako inaasar o binu-bwisit. Pero hindi ko itatangging natutuwa ako sa bawat pang-aasar niya. Mukhang tama nga ang sinabi noon ni Manang Madeth. Gusto ko si Jaxel noong elementarya kami, pero noong first year highschool kami ay sinabi sa akin ni mommy na iba na daw ang nararamdaman ko para kay Jaxel. Mahal ko na daw 'to. Ngunit kahit kailan ay hindi ako nagtapat na matagal na akong may pagtingin sa kaniya. Ayaw kong sabihin sa kaniya iyon, natatakot akong maayawan. Bagaman sa kilos niya minsan ay nagbibigay siya ng motibo, ngunit hindi ko iyon ginagawang dahilan para magtapat ng pagtingin sa kaniya.

Mas mabuti pa sigurong ilihim na lang ang bagay na iyon sa kaniya kaysa sabihin pa. Talagang iniisip ko na maaayawan ako gayong napakaraming babaeng magaganda ang nagkakagusto sa kaniya. Nakakahiya naman na eto lang ako, hindi gaano kagandahan.

"Hoy, Enticerrie!" sigaw sa akin ni Mariah.

"Bakit ba?" paasik na tanong ko sa kaniya.

"Anong bakit ba? Kanina pa kita inaayang pumasok sa room at paparating na ang teacher natin, pero nakatulala ka lang. Ano ba iniisip mo?" nakataas kilay na tanong niya.

Tinitigan ko ang mukha niya. Napakalaki ng pinagbago niya, mas lalo siyang gumanda. Kung noong mga nakakaraang taon ay hindi siya nagkokolorete sa mukha, ngayon ay ginagawa na niya. Simple lang naman iyon at hindi kakapalan, hindi katulad ng iba naming kaklaseng babae na daig mo pa clown sa kapal ng make-up sa mukha. Ako naman ay lipgloss at pulbos lang ang inilalagay ko. Hindi ako kumportable kapag nagba-blush on.

"May kalandian na naman 'yang Jaxel mo," umiling si Mariah.

Habang naglalakad papalapit sa aming upuan ay tinignan ko si Jaxel na may kasamang babae, naghaharutan sila na para bang sila lang ang tao dito sa room. Nang makaupo kaming dalawa ni Mariah ay tumingin ako ulit sa dalawang nasa kanan ko lang. Ang babae ang nasa gilid ko, habang si Jaxel naman ang nasa tabi niya.

Bumaba ang tingin ko ng makita ko ang kamay ni Jaxel na humahaplos sa maputing binti ng babae. Mukhang nakikiliti naman ang babae sa ginawa ni Jaxel kaya naman mas pinag-igihan ng isa. Ang kaninang kamay nito na nasa binti lang ng babae ay ngayon naman ay unti-unti nang pumapasok sa palda niya.

Humagikgik ang babae, tila ba natutuwa sa unti-unting pagpasok ng kamay ni Jaxel sa palda niya. Iniwas ko ang tingin ko doon at kamalasang nahagip ng paningin ko ang mata ni Mariah na nanunukso ang tingin sa akin.

"What are you staring at?" mataray na tanong ko sa kaniya.

"Selos kaba, bibi ghorl?" mapang-asar na tanong niya.

"Bakit naman ako magseselos? In fact, madali lang naman humanap ng lalaki na gagawin din sa akin 'yan, baka nga higit pa diyan." biro ko.

Narinig ko ang mahinang protesta ng babae sa gilid ko kaya sinulyapan ko siya. Nakakunot ang kaniyang noo at parang bitin na bitin.

"Bakit ka tumitigil, Jax?" tanong niya.

"Nakakasawa kana, Kath." kaswal na sagot ni Jaxel.

What the fuck? He's so rude!

Mukhang na-offend naman ang babae ngunit kagulat-gulat na ngumisi ito sa kaniya.

"You're just lying. I know that you want it too. Oh, come on, Jaxel. Ngayon kapa ba magsasawa? You always did it to me." nakangising ani ng babae.

Umiwas ulit ako ng tingin ng maramdaman ko ang unti-unting pagkadurog ng puso ko. Ginagawa nila iyon lagi? Kailan pa? Hindi ko maiwasang mag-selos ng sobra. Mahal ko si Jaxel at kung iisipin kong ginagawa nila lagi ang ganoon ay parang sinasaksak paulit-ulit ang puso ko.

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon