Chapter 7

8 2 0
                                    

Madaling nakahanap si Mira ng mauupuan since dito s'ya nagtatrabaho. Napili n'ya ang upuang malapit lang sa counter.

"Anong kape ba ang gusto mong order-in ko?" tanong ko.

"Ah... 'yong katulad na lang din ng sayo." sagot n'ya.

"Sige."

Tumayo ako at pumuntang counter para um-order.

"2 espresso, 2 velvet cake and 1 mocchiato. Take out yung mocchiato." ani ko sa lalaking kaaway ni Mariah nung nakaraang kasama ko s'ya.

Tinignan n'ya muna ang kasama ko na nakaupo 'saka ibinalik sa akin ang paningin.

"Kasama mo 'yon, miss?" tanong n'ya, tinuro pa si Mira na masama ang paningin sa kanya.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka kung bakit n'ya tinatanong.

"Oo, bakit?"

Ngumisi s'ya ng nakakaloko kay Mira. "Mag ingat ka d'yan, miss. H'wag ka ng magtaka mamaya pag uwi mo kung bakit may nawawala isa sa mga gamit mo."

"Tarantado ka, Finn. H'wag mo akong itulad sayo. Mandurugas!" narinig kong sigaw ni Mira, dahilan para lingonin s'ya ng iba.

"Chill ka lang, pare." natatawang ani Finn.

Tsk! Bagay nga talaga sila ni Mariah, parehas loko-loko.

Kinuha ko ang tray at bumalik kay Mira na nakabusangot ang mukha.

"What's with your face?" tanong ko sa kanya.

Lalo s'yang bumusangot.

"Nakakainis kasi si Finn. Napakagago!" naiinis na aniya.

"Hindi ko alam na nagmumura ka pala." gulat kong tanong.

"Wala namang taong hindi nag mumura." kunot noong sabi n'ya.

Oo nga naman..

"Mira, may gusto kaba kay Kuya Zephyrus?" diretsong tanong ko dahilan ng pag-ubo n'ya, nabulunan sa kinakain na cake.

"A-Ano? H-Hindi, ah!" depensa n'ya, halatang nagsisinungaling dahil namumula ang buong mukha n'ya.

"Okay lang naman kung may gusto ka kay Kuya Zephyrus." sabi ko.

"Talaga?" gulat na tanong n'ya, pero maya maya'y napakunot ang noo, naguguluhan. "E, paano si Natasha, yung kaibigan mo? Diba gusto n'ya si Zephyrus?"

"Hindi. Wala s'yang gusto kay kuya. At kung meron man, hindi na o
pwede. She's pregnant and it isn't Kuya Zeph's responsibility." ani ko.

"Ah.." mahinang usal n'ya.

"Salamat sa oras mo, Mira. I had fun with you." nakangiting paalam ko sa kanya.

Hinatid ko s'ya sa bahay nila. Masasabi kong napakaliit ng bahay nila. Kasya paba sila doon?
Mukhang pag nagdaan ang bagyo ay masisibak na ang bahay na 'to.

Bago pa ako maka-uwi ng bahay ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag.

"Hello.." sabi ko.

"Riri..." nanlaki ang mata ko.

"Heige? Oh, bakit? Ano problema?" tanong ko.

"Can you please come over here." malungkot na paki-usap n'ya.

Mukhang alam ko na ang nangyayari kaya binilisan ko ang patakbo ng sasakyan ko.

"Riri..." pagdating na pagdating ko ay yinakap n'ya ako ng mahigpit 'saka humagulgol sa balikat ko.

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon