Chapter 11

5 3 0
                                    

Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag na tumatama sa mukha ko. Nakakapagtaka na hindi ganoon kasakit ang likod ko kumpara noong isang araw.

Bago magmulat ay kinusot muna ang mata. Pagdilat ay agad na nanlaki ang mata ng makitang nasa kama na ako.

Ano nangyari?

Hindi kaya binuhat ako ni Jaxel at inilipat dito sa kama? Kung ganoon ay kailan? Hindi man lang ba ako naalimpungatan ng binuhat n'ya ako? Gulong gulo ako. Hindi ko talaga alam!

Pumunta muna akong banyo para maghilamos at magsipilyo.

Binuhat n'ya ba talaga ako? Nagtabi ba kaming natulog sa kama? Argh! Jaxel Ashton Villegas!

Pagkababa ay s'ya ang una kong hinahanap.

Nasaan kaya s'ya? Baka naman umuwi na? Tsk! Sinungaling talaga sya kahit kailan. Ang sabi nya ay gusto nya akong makasama tapos ngayon uuwi-uwi sya? Aba, kagaleng!

Patuloy ko s'yang hinahanap habang ang dalawa kong aso ay nakasunod sa akin sa likod.

Napaawang ang labi ko ng makita ko ang likod ng isang lalaking nakaharap sa kalan habang may niluluto. Mukhang naramdaman n'ya ang presensya ko kaya naman lumingon s'ya sa gawi ko.

"Good morning, babe." bati nito.

Hindi ako makasagot, imbes ay lalong umawang ang labi ko ng makita ang hitsura n'ya. Ang kanyang buhok ay magulo. Napababa ang tingin ko sa katawan n'ya at gan'on nalang ang pagtikom ng bibig at pagkunot ng noo nang makita ang katawan n'yang walang saplot pang-itaas. Tanging isang itim na apron lang ang nakatakip sa pang-itaas n'yang katawan.

"Bakit wala kang suot na damit?!" inis na tanong ko sa kanya pagkalapit.

"Kaganda naman ng bati mo sa umaga, babe. Ang harsh." anito habang umaarteng nakahawak sa dibdib nya.

"Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mo, Jaxel. Tinatanong kita, bakit wala kang suot na damit?" singhal ko sa kanya.

"Nagluluto ako, e."

Mas lalo lang akong nainis sa isinagot n'ya.

"Bakit? Pwede namang magluto ng nakadamit, ah! Ano, ibinabalandra mo 'yang katawan mo?!" singhal ko.

Ngumuso naman s'ya. "Mainit kasi kaya ako naghubad." dahilan n'ya.

Inis ko s'yang inirapan pero ngumuso lang s'ya. Maya maya'y ngumisi s'ya atsaka ako hinapit papalapit sa kanya, magkadikit ang aming katawan. Nagulat ako ng pinatakan n'ya ako ng isang mababaw ngunit matagal na halik sa labi.

Ang inis ko'y biglang nawala ng ganoon-ganoon nalang dahil sa halik n'ya. Gan'on ako karupok pagdating sa kanya, isang halik lang ay wala na ang bigat o inis na nararamdaman ko.

S'ya na ang kusang humiwalay sa mababaw n'yang halik atsaka ako binuhat. I wrapped my legs around his waist as he put his hands to the both side of my waist. Iniupo n'ya ako sa high chair. Ibinaon pa n'ya ang mukha sa leeg ko. Ramdam ko ang mainit n'yang hiningang tumatama sa leeg ko.

Hindi ko maiwasang mapa-ungol ng mahina dahil d'on. Mabilis naman s'yang humiwalay ng marinig n'ya iyon. Ayon na naman ang ngisi n'yang nakakaloko. Tuloy ay gusto ko nang sampalin ang sarili ko sa kahihiyang nagawa.

What the hell, Enticerrie? Ano na namang kahibangan ang pinasok mo?!

Nagulat ako ng hinalikan n'ya ako sa noo, ang ngisi ay naglalaro pa rin sa kanyang labi.

"Dito ka muna. Panoorin mo nalang ako magluto. Mas maganda pa iyon, baka hindi ako makapagpigil at maangkin kita dito mismo sa kusina n'yo." anito habang nakatitig sa labi ko.

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon