Nang makarating kami sa isla ng mga Villareal ay ganoon na lang ang tuwa ni Natasha. Totoo ngang napakamahal ng bayad sa islang 'to bago ka makapasok. Tatlong sahod ko na rin iyon sa isang taon, ah. Masyadong nakakabutas ng bulsa, ngunit kapag tinitignan ko si Natasha ay natutuwa na lang rin ako. Worth it naman ang ibinayad ko sa ganda ng islang 'to. Nakakamangha ang mga tanawin. Napakalinaw ng tubig ng dagat.
"Ang ganda naman dito. Ang yaman-yaman siguro ng may ari ng isla neto," manghang komento ni Natasha.
"Mayaman talaga ang mga Villareal. Matunog ang apilyido nila sa bansa natin dahil sa kagandahan ng isla nila," ani Mariah, mababakas mo din ang pagkamangha sa mata niya habang inililibot ang paningin sa kalinawan ng dagat.
Inilibot ko ang paningin. Marami ding tao ang nandito. Mukhang mga mayayaman. Sa porma at tindig pa lang nila ay malalaman mo na.
"Ilang cabin ba yung inupahan natin?" tanong ni Finn.
"Isa lang. Magkasama tayong dalawa doon. How exciting, right?" may ngisi sa labi ni Mariah habang sinasabi niya iyon.
"Isa lang rin. Si Jaxel ang kasama ko doon sa cabin atsaka si Natasha," sagot ko.
Nagbuntong hininga si Jaxel at iniwas ang paningin sa akin. Mukha siyang problemado dahil sa magkasalubong niyang kilay. Kumunot ang noo ko at hindi na lang siya pinansin.
"A-Ano? E, saan ako matutulog? Sa gitna niyong dalawa?" hindi mapakaling tanong niya.
"Syempre hindi. Tabi tayong dalawa sa kama, si Jaxel sa lapag. Maglatag na lang siya ng comforter," sagot ko atsaka kunot noong tinignan si Jaxel na kagat-kagat ang ibabang labi.
"Anong nangyayari sa iyo?" tanong ko, kinalabit siya.
"Nothing. Don't mind me. I'm just tired," sagot niya, ang paningin ay nasa dagat.
Tumango ako. Sabay sabay kaming nagtungo sa sariling cabin. Mangha kong inilibot ang paningin sa kagandahan ng loob ng cabin. May isang malaking kama, sa tabi n'on ay may maliit na lamp shade na nakapatong sa glass table. Sa kabilang gilid ay may malaking bintana na tanaw ang dagat at ang mga punong nagsasayawan, sumasabay sa hampas ng tubig ng dagat ang sariwang hangin na malayang dumadampi sa mukha ko.
"Nakakagaan ng loob ang tanawin dito sa isla," nakangiting sabi ni Natasha, tumabi siya sa akin dito sa bintana.
Saglit akong lumingon kay Jaxel na nag-aayos ng gamit namin. Lukot ang kaniyang mukha habang ginagawa niya iyon. Umiling ako atsaka mahinang tumawa. Bumaling ako kay Natasha na nakatingin pa rin sa dagat.
"Kaya nga dito kita dinala. Gusto kong gumaan naman iyang pakiramdam mo kahit papaano. Nakakabutas ng bulsa ang bayad pero nakakataba ng puso makitang nasisiyahan ka," natatawang sabi ko.
Lumingon ako kay Jaxel na may binubulong. Alam kong isa sa dahilan ng pagmumuryot niya ay yung pagbabayad dito sa Villareal's Island. Pinipilit niya ako na siya na daw ang magbabayad para sa amin ni Natasha ngunit nagmatigas ako. Alam kong kayang kaya niyang bayaran ang pagpasok dito namin dito sa isla ngunit ayaw kong abusuhin ang kayamanan niya. Hindi ko nakipagrelasyon sa kaniya para doon.
"Napakaswerte ko sa inyong dalawa ni Mariah. Wala akong magulang na gagabay at magpapatahan sa akin tuwing umiiyak ako ngunit nandito kayong dalawa ni Mariah... Dumating kayo sa buhay ko, naging masaya na ako. Sapat na kayong dalawa. Ay, apat pala, si Lola Beatriz at baby pa!" emosyonal siya n'ong una ngunit natawa ng may maalala.
"Lima kaya," pahabol ko.
Nagtataka siyang nagbaling ng tingin sa akin. "Sino yung isa?" kuryosong tanong niya.
"Yung model," saad ko.
Nanliit ang kaniyang mata. "Sinong model? Wala akong kilala kahit sinong modelo," ngumiwi siya bago umiling.
BINABASA MO ANG
Still You (On-going)
Fanfiction(Desperate Women Series #1) They are both in a relationship. They are both in love with each other. They are childhood sweetheart... until now, but one day, Jaxel needed to leave her for his heart transplant. And now, her boyfriend left. She was cry...