Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nangiti ako. Hindi ko alam pero napakagaan ng pakiramdam ko ngayon. Sa mga nag-daang taon ay ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam... Napakasaya. Napakasarap sa pakiramdam. Dahil ba ito sa nangyari kagabi? Hindi ko alam. Ang alam ko lang... masaya ako ngayon.
Mga ilang sandali ay tumayo na ako. Inayos ang pinaghigaan bago pumuntang banyo para maglinis ng katawan at mukha.
Pagkababa ay nakita ko si Natasha na kumakain ng umagahan. Nang makita n'ya ako ay agad s'yang ngumiti. Ngunit ang kanyang ngiti ay hindi umabot sa kanyang mga mata. Hindi peke pero alam kong hindi s'ya masaya.
Agad ko s'yang dinaluhan sa mesa. Kukuha na sana ako ng plato at kubyertos ngunit nakita kong nakahain na ito sa mesa. Nakita ko din na nakahain doon ang sunny side-up egg, spam, at hotdog.
Wala sa sariling napabuntong hininga ako.
"Sabi ko naman na sa iyo ay h'wag ka ng magpapagod. Masama sa kalagayan mo iyon." ani ko sa kaniya.
Ngumiti lang s'ya sa akin. Pinagpatuloy ang pagkain, hindi sinagot ang sinabi ko. Hinayaan ko na lang s'ya at kumuha na ng pagkain na nakahain sa mesa.
Hindi katulad ng dating maingay at masayang umagahan ang nangyari ngayon. Ibang-iba ang ihip ng hangin. Gusto kong mag-salita ngunit pinipigilan ko ang sarili, natatakot na may masabing mali.
"Narinig ko ang naging usapan n'yo ni Zeph." biglang ani n'ya.
Nagulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya, hindi alam ang sasabihin. Nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko. Hindi ko kayang makipag-titigan sa kaniya ngayon.
Narinig n'ya? Paano? Bakit?
Ang daming naging tanong sa isip ko. Sariling tanong. Kung tutuusin ay madali lang sagutin pero para sa akin ay napakahirap. Paano nyang narinig kung gayong nasa baba s'ya at kumakain kasama sila mommy? Hindi ko masagot ang mga tanong na iyan.
"Hindi ko gusto si Zephyrus..." saad n'ya.
Nabalik ang tingin ko sa kaniya ng sabihin n'ya iyon. Hindi n'ya gusto si kuya? Kung nandito lang siguro s'ya ay alam kong magiging malungkot s'ya. Ang minamahal n'yang babae ay hindi s'ya gusto.
"Ngunit hindi s'ya mahirap gustuhin."
I know. Alam kong hindi mahirap gustuhin si Kuya Zeph. Nasa kanya na ang lahat. Kayamanan, ka-guwapuhan, kakisigan at katalinuhan. Halos lahat ng babae ay gusto s'ya. Maraming desperadang babae ang halos mag-away makuha lang s'ya. Ang kaso ay mataas ang standard ni kuya para sa babae. Ang gusto n'ya ay 'yong katulad ni Natasha... Mahinhin at matapang.
"Kung tutuusin ay napakadali n'yang gustuhin." ani pa n'ya atsaka nagbaba ng tingin sa tiyan n'ya, hinaplos ito, "pero para sa anak ko, pinipigilan ko ang gustuhing nararamdaman ko para sa kaniya. Gusto kong lumaki ang anak ko kasama ang totoo n'yang ama. Gusto ko s'yang lumaki na may buong pamilya."
"Naiintindihan ko, Natasha..." mahinang usal ko.
"I really, really want to tell him about my pregnancy. But I just can't. Hindi pa ako handa, Enticerrie. Hindi pa." mahina ding usal n'ya.
Naiintindihan ko si Natasha. Kung ako man ang nasa kalagayan n'ya ay hindi ko alam ang gagawin ko. Naaawa din ako kay Natasha. Alam kong gusto na n'yang sabihin kay Lucius ang tungkol sa pagbubuntis n'ya, natatakot lang s'ya. Alam kong natatakot lang s'ya sa sasabihin nito, sa magiging sagot. Kung pananagutan ba n'ya ito o hindi. Kung hindi man ito panagutan ni Lucius, gaya nga ng sabi ni Kuya Zeph, handa s'yang panagutan ito, ang pagbubuntis ni Natasha. Handa s'yang tumayo bilang isang ama, at kuntento na ako doon.
BINABASA MO ANG
Still You (On-going)
Fanfiction(Desperate Women Series #1) They are both in a relationship. They are both in love with each other. They are childhood sweetheart... until now, but one day, Jaxel needed to leave her for his heart transplant. And now, her boyfriend left. She was cry...