Chapter 24

1 0 0
                                    

Natapos ang tanghalian at hapunan na malungkot si Natasha. Panay ang sulyap niya mula sa glass wall ng restaurant tuwing kumakain kami, tila ba may tinitignan siya sa labas. Palaging laylay ang kaniyang balikat na para bang buhat-buhat ang buong mundo. Oras na para matulog pero siya ay nakatanaw pa rin sa labas ng bintana.

"Hindi kapa ba matutulog?" tanong ko, tinabihan siya sa bintana.

"Hindi pa ako inaantok, e," sagot niya.

"Talagang hindi ka aantukin kung marami kang iniisip."

"Wala 'to," aniya.

"Ayan kana naman," tinampal ko ang sariling noo.

Natawa siya. "Pasensya, nasanay na," paumanhin niya.

"Sino ba kasi talaga ang sumampal sa 'yo? Mukhang mabigat ang palad, bakat na bakat sa pisngi mo, e," umiling ako.

"Bukas kona lang siguro ikukwento. Nakakawalang gana ikuwento ang ganoong bagay na mahirap ipaliwanag, lalo na ngayon."

"O, sige. Huwag mo masyadong isipan ang bagay na 'yan, ipagpabukas mo na lang 'yan. Sa ngayon, matulog muna tayo. Bukas na lang natin libutin ang islang 'to. May jetlag pa ako sa biyahe natin," saad ko.

Ako ang naunang umalis sa bintana. Tinignan ko si Jaxel na kinukuha ang isang comforter at isang unan, nakabusangot ang kaniyang mukha. Lumapit ako sa kaniya at hinapit ang batok niya. Ramdam kong natigilan siya nang magdikit ang labi namin ngunit agad din siyang pumikit at tumugon. Bago pa lumalim at maging mainit ang halik namin ay pinutol ko na. Ayaw kong gumawa kami ng kahit anong milagro, lalo na at nandito si Natasha. Ayaw kong masubaybayan niya kung gaano ka agresibo sa ganoong bagay si Jaxel.

"Why so fast? Hindi man lang umabot ng minuto," reklamo niya.

"Huwag ka nang magreklamo. Ang mahalaga ay hinalikan kita. Nagkadikit ang labi natin, sapat naman na siguro 'yon, diba?" tanong ko.

Sumimangot siya atsaka tumango. "Yes, but I want to kiss you more than that," reklamo na naman niya.

Umiling ako atsaka hinalikan ulit siya ng isang beses sa labi. "Goodnight, Jaxel."

"Ano 'yon? Hinalikan mo ako pero hindi ko man lang naramdaman. Parang hangin lang, ang bilis," asik niya.

"Goodnight, Jaxel. I love you," malambing kong sabi atsaka nagtungo sa kama.

"I love you, babe," malambing din na sabi niya bago humiga sa lapag.

Oh, my poor babe.

"Kainggit," ani Natasha nang humiga na rin siya sa tabi ko.

"Huwag kang maiingit, makakahanap ka rin ng ganiyan. Baka nga higit pa diyan ang ibigay sa 'yo ni God," nakanguting sabi ko.

Ngumiti siya. "Sana nga. Goodnight, Enticerrie," bati niya bago ipinikit ang mata.

Pumikit ako, pilit pinapatulog ang sarili ngunit kusang bumubukas ang talukap ng mata ko. Tinignan ko si Jaxel na nasa lapag. Nakapikit siya at malalim ang paghinga, mukhang tulog na siya. Dahan-dahan akong bumaba sa kama para magtungo sa tabi niya. Napangiwi ako ng maramdaman kung gaano katigas ang lapag. Alam kong sasakit ang likod niya bukas.

Hinaplos ko ang makinis niyang pisngi atsaka hinalikan iyon. Napanguso ako nang hindi siya nagising ngunit napangiti ng makita kung gaano siya kahimbing matulog. Napakaamo ng mukha. Para siyang anghel na bumaba sa lupa.

"I'm scared, Jaxel," mahinang sabi ko para hindi siya magising.

Bumuntong hininga ako, ayaw sabihin ang kadugtong. Ang saya ko kasi ngayon. Ang saya-saya na alam kong sa sobrang saya ay mapapalitan ng lungkot. At iyon ang ikinatatakot ko. Ayaw ko isipin ang mga negatibong bagay ngunit kusa talaga iyong pumapasok sa isip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon