Kasalukuyan akong nagbubukas ng mga regalong natanggap ko kanina. Naagaw ng atensyon ko ang isang maliit na box na nakabalot sa gift wrapper. Kinuha ko ito at agad na pinunit ang wrapper. Tumayo ako sa tuwa ng makita ang laman nito. Isang bracelet na kulay silver at napaka-ganda nito kahit na napakasimple at mukha ng luma.
Talagang masaya ako dahil sa lahat ng regalong natanggap ko ay ito ang pinaka-nagustuhan ko. Maraming nagregalo sa akin at puro iyon mamahalin. Damit, sapatos, relo at bag na lahat ay branded. Sa tutuusin ang bracelet na ito ang mukhang simple pero halatang spesyal. Ito lang talaga ang nagustuhan ko sa lahat.
Sa tuwa at galak ay agad ko na itong isinuot sa kaliwang kamay ko. Habang sinusuot ito ay nakabakas sa labi ko ang ngiti. Pero ang mas naagaw ng atensyon ko ay ang pinunit kong wrapper. Kinuha ko ito at nanlaki ang mata ko ng makita ang isang gift card doon. Nakadikit pala iyon sa tuktok ng box kanina, hindi ko lang napansin dahil masyadong akong nagalak buksan ang nasa loob ng kahon.
'Happy 9th birthday, Enticerrie. Seriously, I do not know you. My parents just told me to give you a gift so I did because I don't want to disobey them. I don't have any money to buy you a gift because first, I'm a kid too, just like you.
Please, take care of it. This bracelet has a big mean to me.
From: Jaxel Ashton.'
"Jaxel Ashton? Your name sound familiar to me. Who are you?" tanong ko.
Nagulantang ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Pagkabukas ay niluwa n'on si mommy.
"Tapos kana ba d'yan, anak?"
"Yes, mommy." sagot ko.
"Good. Bumaba na tayo, hindi pa tapos ang party mo." ani mommy.
Pagkababa namin ay maraming bumati sa akin, ultimo yung mga bumati kanina ay bumati ulit. Karamihan ng bisita ko ay mga ka-business partner ni daddy at mga kaibigan ni mommy. Inimbita ko rin naman ang mga kaklase ko kasama ang mga magulang nila. Ang sabi nga ni mommy, kapag mas marami, mas masaya.
"Hey, dude." nabaling ang tingin ko sa lalaking bumati kay daddy at ang babaeng kasama nito na nakipag-beso kay mommy.
Napaliyad ako ng kaunti ng mapunta sa akin ang paningin ng babae. Pansin n'ya siguro ang pag-kailang ko kaya naman ngumiti s'ya sa akin. Isang malambing na ngiti na parang nagsasabi na h'wag dapat akong mailang dahil hindi s'ya masamang tao.
"Is she the celebrant?" tanong nito.
"Yes." sagot ni mommy sa tanong n'ya.
"Oh," lumapit s'ya sa akin at yumuko para magpantay ang mukha namin. "What is your name, darling?" nakangiting tanong n'ya.
"E-Enticerrie Nymph Altamirano po." nahihiyang ani ko.
Nagulat naman ako ng bigla itong humalakhak.
"You're so cute, darling." ani n'ya, pinisil pa ang magkabila kong pisngi.
"Anak," tawag pansin sa akin ni mommy. "Her name is Ashley Villegas, husband of Jaxon Villegas. Remember her?"
Tumingin ako sa taas, animong nag-iisip. Ashley Villegas? Isa lang ang kilala kong Ashley Villegas.
"You are the girl who taught me how to dance when I was a kid?" malakas kong tanong.
"Anak, you're still a kid." ani mommy.
Natawa naman ang babae.
"Yes, I'm the one who taught you how to dance." natatawang aniya, "so I wonder why you look so shy. I remember that we're so close to each other."
BINABASA MO ANG
Still You (On-going)
Fanfiction(Desperate Women Series #1) They are both in a relationship. They are both in love with each other. They are childhood sweetheart... until now, but one day, Jaxel needed to leave her for his heart transplant. And now, her boyfriend left. She was cry...