Nagising ako ng may maramdaman akong dumidila sa aking palad. Pag mulat ko ay nabungaran ko si Jabba na naka upo sa tabi ng kama ko.
Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala s'ya nailabas kagabi sa kwarto ko dahil sa kapaguran. Ano bang ginawa ko kagabi at napagod ako?
Tumayo ako, pumuntang banyo para makapag hilamos at toothbrush. Pag kalabas ay naabutan ko si Jabba na naka upo sa tapat ng pinto ng banyo, hinihintay akong makalabas.
Binuhat ko s'ya, hindi pa naman s'ya gaano kalaki at kabigat para mahirapan akong buhatin s'ya.
"Ay, ang cute naman n'yan." nag mamadaling lumapit sa akin si Nat atsaka hinimas ang balahibo ni Jabba.
Jabba closed his eyes, dinaramdam ang hawak sa kanya.
"Ang cute-cute naman."
"Syempre, ako ang amo, e." sagot ko at inirapan n'ya lang ako.
"Babae o lalaki? Anong pangalan n'ya?" tanong n'ya.
"Lalaki. Jabba." sagot ko.
Kumunot ang noo n'ya, "bakit Jabba ang pangalan n'ya?"
"Wala kang pake-elam." ngising sagot ko sa kanya.
"Tch. Breakfast is ready." pairap na aniya atsaka ako tinalikudan.
Natawa naman ako ng mahina. Ang mga buntis talaga ay moody!
"Anong oras kana pala umuwi kagabi at tinanghali ka ng gising?" tanong n'ya habang naglalagay ng plato at kubyertos sa lamesa.
"Hindi ko na namalayan. Basta pagka-uwi ko, pumasok na ako sa kwarto at nagbihis. Nakalimutan ko pa nga ilabas si Jabba sa kwarto ko."
Tinignan ko si Jabba na ngayo'y nakikipaglaro na kay Simba. Nangiti ako. Finally, may kalaro na si Simba!
"Anyway, may tanong ako.." bumalik ang paningin ko kay Nat.
Bahagyang kumunot ang noo ko ng makita ko s'yang naka-yuko.
"Ano?"
"Kaano ano mo pala si Zephyrus Nhimguel Altamirano?"
"Kapatid ko. Kilala mo s'ya?" nagulat man ay nagawa n'yang tumango.
"Bakit mo pala natanong?" tanong ko, nakaka-halata na kasi ako na para s'yang naiilang lalo na at si Kuya Zeph ang pinag uusapan namin.
"Ah... wala naman. Natanong ko lang, mag kamukha kasi kayo atsaka yung apilyido n'yo." naka-iwas ang tingin na aniya.
Obvious naman. Sa mukha pa lang ay masasabi mo ng magkapatid kami.
Ano ang meron kay Kuya Zephyrus at Natasha? Gusto ba n'ya si kuya?
Winaglit ko nalang sa isip ko iyon at itinuon sa pagkain ang paningin.
Actually, wala naman problema sa akin kung gusto nya si Kuya Zeph. Pero buntis s'ya, buhay ang ama ng bata na nasa sinapupunan n'ya. I like her for my brother but she's goddamn pregnant! At hindi pa alam iyon ni Lucius. He must know about Natasha's pregnancy. Pero wala akong karapatang mangeelam sa kanila lalo na at may sarili silang desisyon.Matapos ang umagahan ay nakakapanibago kasi ang tahimik. Kakausapin ko na sana s'ya ng may biglang tumawag sa cellphone ko.
"Oh, Mariah. Napatawag ka?" bungad ko sa kanya.
"Pupunta ako d'yan mamaya sa bahay mo. By the way, may isusuot kana ba mamaya?"
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. Ano ba ang pinagsasasabi na 'to? Ano kung may isusuot ako mamaya?
"Hibang kaba? Anong pinagsasasabi mong bruha ka?" asik ko.
"Ikaw ang hibang! 25th birthday ni Ameiah ngayong gabi!" asik din n'ya.
BINABASA MO ANG
Still You (On-going)
Fanfiction(Desperate Women Series #1) They are both in a relationship. They are both in love with each other. They are childhood sweetheart... until now, but one day, Jaxel needed to leave her for his heart transplant. And now, her boyfriend left. She was cry...