Nagising ako, hindi sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nagising ako dahil sa taong pinupugpog ng halik ang buong mukha ko. Nakapikit akong ngumiti. Dahan-dahan kong idinilat ang mata, mas lalong lumawak ang ngiti ko ng isang guwapong lalaki ang nabungaran ko sa umagang ito.
Nakatagilid siya ng higa, paharap sa akin. Ang kaniyang kanang braso ay nakatukod sa kama, habang ang palad niyon ay nakapatong ang ulo niya. Nakatingin siya sa bawat parte ng mukha ko. Bahagyang nangunot ang noo ko ng umangat ang kaliwang kamay niya ngunit napalitan din iyon ng isang matamis na ngiti nang hinaplos nito ang noo ko, pababa sa pisngi at papuntang ilong. Natawa siya ng mahina nang pindutin niya ang ilong ko ilang beses. Ilang sandali ay bumaba iyon sa labi ko, hinihimas ang pang-ibabang labi ko.
Yumukod siya at pinatakan ako ng isang matagal na halik sa labi. Hindi ko alam kung tutugon ba ako. Gusto kong tugunan ang halik niya ngunit nag-aalangan ako, hindi pa ako nakakapag-toothbrush.
"Good morning, babe," bati niya sa akin matapos ng isang matagal na halik.
Ngumiti ako. "Kaganda ng bungad mo, ah. Morning kiss," tumawa ako.
Ngumisi siya, may kapilyuhan.
"Ayaw mo ng morning kiss? Gusto mo morning lick?" bumaba ang kaniyang tingin sa aking leeg, pababa sa aking katawan na natatabunan ng comforter.
Alam kong may suot akong damit sa ilalim ng comforter na 'to. Ngunit sa pilyo niyang tingin at ngisi, pakiramdam ko ay hubad ang lahat ng saplot ko sa katawan. Hindi mapigilang hampasin siya sa kapilyuhang nasa isip niya.
"Umagang-umaga, Jaxel. Tigil-tigilan mo 'yang kapilyuhan mo," saway ko sa kaniya.
Dinilaan niya ay sariling labi, hindi ko mapigilang sundan iyon ng tingin. Dahil sa ginawa niya ay mas lalong nadepina ang pamumula ng labi niya.
"Aminin mo, gusto mo ang pagiging pilyo ko," nakangising aniya, inilapit pa ang mukha.
Inirapan ko siya at bumangon sa pagkakahiga. Nagsuot ako ng tsinelas bago pumuntang banyo. Hindi ko sinagot ang sinabi kanina ni Jaxel dahil alam kong mapapaamin lang ako. Pilyo siya at aaminin kong gustong-gusto ko ang pagiging ganoon niya. Tuwing may kapilyuhan siyang nasa isip ay parang gusto kong gawin niya iyon sa akin. Ngunit ang sabi niya ay gusto niya muna akong iharap sa altar bago niya gawin sa akin ang matagal niya ng gustong gawin.
Iniisip ko tuloy kung anong posisyon ang gagamitin niya sa akin kapag ginawa namin iyon. Hindi ko maiwasang mamula ng biglang pumasok sa isip ko kung paano siya bumayo. Mabilis ba at madiin? Nasapo ko ang magkabilang pisngi atsaka umiling.
"Malandi naba ako kung sasabihin kong gusto kong gumalaw sa ibabaw niya?" wala sa sarili kong tanong.
Napabusangot ako matapos kong itanong sa sarili iyon. Malamang. Ano bang maitatawag sa sarili ko?
Syempre, malandi! Iniisip ko pa ang mga bagay na iyon na alam ko namang matagal pang mangyayari. Umiling ako bago maghilamos ng mukha at magsipilyo. Pagkalabas ay naabutan ko si Jaxel na nakahiga sa kama habang nakangisi. Ano na naman kaya ang pinagkakatuwaan ng lalaking 'to?Nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. Ngunit sandali lang iyon dumapo sa mata ko dahil kaagad itong bumaba sa dibdib ko. Nakita ko ang pagdaan ng apoy sa kaniyang mata, umigting ang panga. Ilang sandali pa siyang tumingin sa dibdib ko bago nag-iwas ng tingin.
Sa kuryosidad kung bakit naging ganoon ang reaksyon niya ay lumapit ako sa kaniya. Dahil nasa kama siya ay kumandong ako paharap sa kaniya. Dahil sa pagkakakandong sa kaniyang hita paharap ay lumihis ang cotton short ko. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinaharap sa akin ang kaniyang mukha. Nang magtama ang aming paningin ay ganoon na lang ang gulat ko ng makita ang pandidilim ng kulay asul niyang mata.
BINABASA MO ANG
Still You (On-going)
Fanfiction(Desperate Women Series #1) They are both in a relationship. They are both in love with each other. They are childhood sweetheart... until now, but one day, Jaxel needed to leave her for his heart transplant. And now, her boyfriend left. She was cry...