"Cinema?" tanong n'ya sa kalagitnaan ng paglalakad namin.
Tumango ako.
Pumunta kami sa sinehan at tinignan ang mga nakapaskil na palabas doon.
I chose Aladdin.
Tumango lang naman s'ya bilang pag sang-ayon 'saka pumuntang counter para bumili ng ticket.
Hinawakan n'ya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. May iilang tao na doon. Tinuro ni Jaxel ang upuan na kung saan nasa gitna kami. Tumango ako at nagpahila sa kanya. Inakbayan n'ya ako habang hindi pa nagsisimula ang palabas, sinandal ko naman ang ulo sa balikat n'ya. Ramdam kong hinalikan n'ya ang ituktok ng ulo ko dahilan ng pagngiti ko. Nang magsimula ang palabas ay tutok kaming dalawa doon.
The movie, Aladdin, were beautiful. I enjoyed it. But seems like Jaxel did not enjoy it.
Sabagay, lalaki s'ya. Mas gusto n'ya ang action na palabas kaysa sa romantic at fantasy movies.
"Where do you want to eat?" tanong n'ya.
"Hmm... kahit saan." sagot ko.
Tinanong n'ya pa ako ulit ng isang beses, 'yon lang din ang isinagot ko.
S'ya na ang bahala. Kahit saan ay ayos lang sa akin. Basta ay may makakain. Sa huli ay sa isang mukhang mamahaling restaurant kami pumunta.
Pagkabukas ng pinto ay namangha ako sa sobrang ganda.
This restaurant is very romantic. Bawat mesang nadadaanan namin ay makikita mo ang mga kandilang nakalagay sa gitna n'on.
Ang ilaw naman ay katamtaman lang ang liwanag. Napaka perpekto ng kulay na itong sumasabay sa liwanag ng kandila.
Ang mga silya ay pang dalawahan at tatluhan lang. Mukhang ang kainan na ito ay para sa magkasintahan lang. And the theme color is red with gold.
"Did you like this restaurant?" tanong n'ya habang pinaghihila ako ng upuan.
"Yes." ani ko 'saka tumango-tango.
Of course. Who wouldn't like this kind of restaurant? This is very romantic. And I must say... sobrang nagustuhan ko ang restaurant na ito.
This restaurant is perfect for us...
Iniabot sa amin ng waiter ang menu. Hindi ko na binuklat iyon at sa iba itinuon ang atensyon.
Inikot ko ang mata ko sa buong restaurant.
Hindi ko talaga maiwasang hindi mamangha. Bawat parte ng restaurant na ito ay kahanga-hanga. Ang mga desenyo. Lahat. Nakakamangha.
"Hey, babe. What's your order?" tawag pansin sa akin ni Jax dahilan para mabaling ang atensyon ko sa kanya.
"Same as yours." 'yon lang ang isinagot ko at inabala ulit ang sarili.
"Hey..." tawag pansin n'ya uli.
Paglingon ko sa kanya ay lukot ang mukha nitong nakatingin sa akin.
"Oh?" naguguluhan ang tinig ko.
"I'm starting to get jealous..." anito.
"Huh? Kanino?" kunot noong tanong ko.
"Sa restaurant na 'to." saad n'ya habang masama ang tinging inilibot ang paningin sa apat na sulok na restaurant na 'to.
What the heck?
"What? Bakit?" tanong ko pa, naguguluhan pa rin.
Binalingan n'ya ako ng masamang tingin. "Kanina pa wala ang atensyon mo sa akin. 'Yong mga mata mo wala sa akin, kundi sa restaurant na 'to. Damn..." saad pa n'ya.
BINABASA MO ANG
Still You (On-going)
Fanfiction(Desperate Women Series #1) They are both in a relationship. They are both in love with each other. They are childhood sweetheart... until now, but one day, Jaxel needed to leave her for his heart transplant. And now, her boyfriend left. She was cry...