Nang sinundo ako ni mommy sa school ay agad n'yang napansin ang mukha kong nakabusangot. Tinanong n'ya ako tungkol d'on pero hindi ko na sinabi kay mommy kung ano talaga ang nangyari. Isa pa, ayaw ko na mapag-usapan pa si Jaxel. Nakakainis ang pangalan n'ya, ang mukha n'ya, ang lahat sa kanya. Ni hindi ko yata matatagalan ang usapan kapag sa kanya patungkol iyon.
Matapos kumain ng hapunan ay agad akong nagtungo sa aking kwarto. Pinakatitigan ang kisame at nag-isip-isip. Matapos ang ilang sandali ay nilaylay ko ang aking kamay, ang aking braso ay nakahiga sa kama habang ang aking kamay ay hindi. Nagulat ako ng biglang nahulog ang bracelet mula sa aking kamay. Tumayo ako sa pagkakahiga at kinuha ang bracelet na nahulog. Maluwag ito sa aking palapulsuhan kaya nahulog. May adjustment naman ito kaya lang ay mas gusto itong may kaluwagan.
Tinitigan ko ito mabuti at bigla na lang may naalala.
Take care of this bracelet. This bracelet has a big mean to me.
For the very first time I saw this bracelet. Alam kong spesyal ito. Hinding hindi ko makalimutan ang mga sinabing kwento ni Jaxel mula sa bracelet na ito. At hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa huling sinabi n'ya noon. Hindi ko maintindihan ngunit bakit ganoon na lang ang tibok ng dibdib ko tuwing tinitignan ko ang bracelet na ito kundi naman ay tuwing inaalala ko si Jaxel.
Talaga bang napakabata ko pa para hindi maintindihan ang ganoon? Hay, bakit ba kasi hindi na lang ako naging dalaga agad?
Kinabukasan ay ganoon ulit, maaga akong ginising ni manang para maligo na at kumain ng agahan. Ikalawang araw na ng pasok namin, alam kong medyo marami na ang ipapagawa sa aming activity at pasasagutan na mga quizzes. Ganoon na lang talaga ako nag-advance reading noong mga nakakaraang araw para naman tumaas ang marka ko.
"Enticerrie Nymph!" sigaw ni Mariah pagkapasok n'ya ng room. Himala na ako ang nauna sa kanya at s'ya ang nahuli.
"Mariah." tawag ko din sa kanya. Nang makalapit s'ya sa akin ay hindi na ako nagulat ng bigla n'ya akong niyakap at halikan sa pisngi.
Sanay na ako sa akto n'yang iyon kahit na kahapon n'ya lang ginawa. Bukod sa kanya ay wala na akong naging kaibigan dito sa room, ewan ko kung bakit iwas na iwas sila sa akin. Buti na lang talaga kahit isa ay mayroon akong nakaka-usap, at si Mariah iyon.
Narinig ko ang mahinang singhal ni Jaxel mula sa likod ko. Kung nauna akong pumasok kanina ay mas nauna s'ya. Nang dumating ang aming guro ay agad kaming nagsitahimik at itinuon ang atensyon sa kanya. Binati nya kami, binati rin namin s'ya ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako tumayo. Matapos mag-discuss ni ma'am ay may pinasagutan lang s'ya sa amin saglit, pagkatapos noon ay break time na namin.
Kinawit ni Mariah ang kanyang braso sa akin. Sabay kaming naglakad papuntang cafeteria at bumili ng makakain. Ang akin ay tuna sandwich at bottled water habang ang kay Mariah ay chicken sandwich at juice. Umupo kami malapit sa entrance ng cafeteria. Maliit lang naman ang cafeteria namin dahil wala namang mga highschool at college na kumakain dito, bukod ang cafeteria ng elementary sa highschool/ senior at college.
Habang kumakain ay nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin mula sa gilid ko. Pagbaling ko ay nakita ko si Jaxel na tumabi sa akin habang may dala-dalang sariling pagkain. Mabilis kong dinistansya ang sarili mula sa kanya. Kumunot naman ang noo n'ya.
"O? Lumalayo kana naman!" asik n'ya atsaka mas lalong idinikit ang sarili sa akin.
"Ano ba? Para kang kuwago kung makadikit!" singhal ko sa kanya atsaka lumayo ulit ng kaunti.
"Ano? Kuwago? E, hindi naman malaki ang mata ko! Are you blind?" natawa si Mariah sa sinabi ni Jaxel.
"Hindi ako bulag."
BINABASA MO ANG
Still You (On-going)
Fanfiction(Desperate Women Series #1) They are both in a relationship. They are both in love with each other. They are childhood sweetheart... until now, but one day, Jaxel needed to leave her for his heart transplant. And now, her boyfriend left. She was cry...