Chapter 18

1 0 0
                                    

Nang mag-uwian ay hindi muna ako lumabas ng room. Hinihintay ko pa si mommy. S'ya ang tinawagan ni ma'am. Sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Paano na lang kung magalit si akin si mommy? Sa buong pag-aaral ko ngayong elementary ay hindi pa napapatawag ang magulang ko ng ganito, talagang nakakakaba lang.

Nang makita ko si mommy na naglalakad papalapit sa room namin ay kumalabog na talaga ang dibdib ko sa kaba. Nakasabit sa braso n'ya ang white coat. Mukhang kakauwi n'ya lang galing ng trabaho.

Nako pagod, lagot.

Nang matanaw n'ya ako ay kinunutan n'ya ako ng noo. Lumapit s'ya sa akin at tinanong ako.

"Ano ang ginawa mo at bakit ako pinatawag ng guro mo, Enticerrie Nymph?"

"I-I-I don't know, mommy." nauutal na ani ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga n'ya bago pumunta ng desk ni ma'am. Habang nakikipag-usap s'ya ay lumabas na ako ng room. Ayaw ko marinig ang pinag-uusapan nila. Nakakakaba, baka magalit sa akin si mommy!

Nakayuko ako habang sinisipa-sipa ang mga maliliit na bato sa harap ko. Nagulat ako ng may isang pares na itim na sapatos ang nasa tabi ko. Humahalimuyak ang pabango ng taong 'yon. Sa amoy na 'yon ay hindi ko na kailangan mag-taas ng tingin, alam kong si Jaxel iyon. Ang taong may kasalanan kung bakit napatawag ang mommy ko.

Sa totoo lang ay gusto ko s'yang sigawan at hampasin ngunit ayon na naman yung panghihina ko sa tuwing lalapit s'ya. Pakiramdam ko talaga ay inuubos n'ya ang lakas ko sa tuwing lalapit s'ya. Ilang sandali kaming ganoon. Nakakabingi ang katahimikan, tanging huni ng ibon at ang tunog ng mga punong sumasayaw lang ang naririnig namin.

Ang medyo malakas na ihip ng hangin ay tinatangay ang naka-ipit kong buhok. Mula sa gilid ng mata ay kita kong titig na titig s'ya sa akin. Nang bumaling naman ako sa kanya ng tingin ay hindi n'ya iniiwas ang kanya, nakipagtitigan pa.

"Why are you staring at me?" tanong ko.

Umiling lang s'ya, doon na nag-iwas ng tingin at yumuko na lang.

"Why are you always bullying me? Can't you live without bullying me?" tanong ko.

"Nah." sagot n'ya.

Ngumiwi ako.

"Answer me properly." saway ko.

"Tch. I don't know, okay? Basta masaya ako kapag inaasar kita." sagot n'ya.

"You know what, Jaxel?"

"What?" tumingin s'ya sa akin.

"You can bully me but not that way. Mommy might me angry. I know that she's tired. And look on what I just did, mukang nadagdagan ko pa ang pagod n'ya. Our teacher called and told her to come over here." umiling ako.

Kinamot n'ya ang ulo atsaka yumuko, hindi na nagsalita. May sasabihin pa sana ako sa kanya ngunit naramdaman ko ang presensya mula sa gilid ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si mommy na naglalakad papalapit sa direksyon ko. Ang kanyang mata ay hindi naman galit ngunit mababasa mo doon ang pagtatanong n'ya.

"Why did you do that, baby? I told you not to use your phone in the middle of your teacher's discussion." tanong n'ya.

Hindi na ako nagtaka pa kung bakit s'ya naniwala sa mga sinabi ni ma'am.

"Mommy, I didn't do that. I'm just listening to her discussion when my phone suddenly played a song." ani ko.

"Are you telling me the truth?" nakataas kilay na tanong n'ya pa.

Itinaas ko ang aking kanang kamay, tila nanunumpa.

"I swear, mommy. I'm not the one who did that." sabi ko.

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon