Chapter 16

1 0 0
                                    

But seriously, you're not beautiful...

"Argh.." inis kong pinadyak ang aking paa sa hangin, sinabunutan ang buhok na tila ba isang baliw.

Ilang linggo na ang nakakaraan pero heto't naaalala ko pa rin ang huling sinabi ni Jaxel Ashton sa akin bago s'ya umalis. Hindi ko maintindihan... Bakit kailangan pang magpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi nya gayong insulto naman iyon? Kung tatanungin ko naman si Manang Madeth, hindi ko rin naman maiintindihan ang mga sasabihin n'ya. Siguro ay masyado pa akong bata para malaman ang mga bagay na iyon.

Kinaumagahan ay maaga akong ginising ni Manang Madeth. Pasukan na namin ngayon kaya ganoon ko na lang pinaghandaan ang araw na ito. Excited na rin akong makita at makilala ang mga bagong kaklase ko.

"Are you ready, baby?" ani mommy. S'ya ang naghatid sa akin papuntang school.

"Yes, mommy!"

Pagpasok ko sa room namin ay agad napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Kita ko sa mga mata nila ang paghanga base sa nakikita ko. Ang ilang mga babae ay hindi ako pinapansin. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad at humanap ng mauupuan. Tumabi ako sa isang babae na ang atensyon ay nasa libro. Bakante ang upuan n'ya pero nakalagay doon ang bag n'ya. Nahihiya man ay nilakasan ko ang loob para tanungin at batiin s'ya.

"Hi!" bati ko rito pero hindi n'ya ako binalingan ng tingin, "bakante ba ang upuan na ito?" tanong ko.

Umangat ang kanyang tingin at diretsong tinignan ang aking mata. She's pretty pero ang taray n'ya. Itinaas n'ya ang kilay at nginisihan ako.

"As you can see, nakalagay ang bag ko. So that means... hindi na bakante." mataray na aniya.

Yumuko ako sa kahihiyan. Hindi ko alam ang sasabihin ko at napatalon pa ako ng biglang dumating ang guro namin. Nataranta ako sa hindi malamang gagawin. Natatakot ako na baka pagalitan ako ng guro at tanungin kung bakit hindi pa ako umuupo! Nagulat na lang ako ng bigla akong hiniklat ng babaeng kausap ko kanina, pinaupo n'ya ako sa kaninang upuan na pinag-uusapan namin.

"Akala ko ba hindi na ito bakante?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang bag ko.

"Binibiro lang kita." saad n'ya atsaka ako nginisihan.

Ngumiti lang ako sa kanya at itinuon ang buong atensyon sa guro naming nag-uumpisa ng magsulat sa board.

Ms. Blessing Lopez. Her name is Blessing...

"Good morning, children." bati n'ya sa amin.

Tumayo naman ako bilang pag-bati rin. Laking gulat ko naman na ako lang ang tumayo. Rinig ko ang mga ilang bungisngis ng kaklase ko. Napapahiya akong umupo at kinamot ang pisngi.

"Hindi ba dapat tatayo?" tanong ko sa katabi ko.

Umiling lang s'ya na para bang hindi makapaniwala sa akin. E, ano ba kasi dapat? Sa dati kong paaralan ay tumatayo atsaka babatiin ang guro. Hindi ko naman alam na dito sa bago kong paaralan ay iba ang tradisyon.

"May I ask you, darling?" tanong sa akin ng aming guro, nakatingin sa akin.

Tumango lang ako at hindi nagsalita. Baka kasi mali na naman ang magawa ko at mapagtawanan pa ako.

"Stand." utos n'ya sa akin na agad ko namang sinunod kahit nag-aalangan.

Akala ko ba bawal tumayo?

"Bakit ka tumayo kanina?" tanong n'ya na talaga namang nagpakabog sa dibdib ko.

Lumunok muna ako bago sumagot.

"Ganoon po kasi sa dati kong paaralan, ma'am." sagot ko.

Ngumiti s'ya sa akin.

"Baguhan ka pala. Dito sa paaralan na ito ay hindi ganoon. Pero natutuwa ako sa kagandahang asal na ipinakita mo." ani aming guro kaya naman nakahinga ako ng maluwag, "you may sit now." saad n'ya.

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon