Chapter 4

16 6 0
                                    

"Ano? Buntis ka?" sigaw na saad ni Mariah kay Nat, dahilan ng paglingon sa 'min ng mga tao dito sa restaurant.

"Hinayupak kang bruha ka. Pwede bang pakihinaan 'yang boses mo? Kalakas mo puputak, eh." singhal ko.

Inirapan n'ya ako. "Pakeelamerang palaka!"

I did the same too, inirapan ko s'ya. "Look who's talking. Chaka!"

"T-Tama na! Tama na!" awat sa amin ni Nat, "Nakakahiya at ang dami ng taong nakatingin sa atin. Isa pa... nasa harap tayo ng hapag."

Normal lang naman sa 'min ni Mariah 'to, ah?

"Fine... so ano nga? Sino ang ama?" mahinang bulong n'ya.

"S-Si Lucius Villacortez."

Matik na nanlaki ang dalawang mata ng katabi ko dahil sa narinig mula sa taong nasa harapan namin.

"Seriously? That hottie guy? Oh my goodness gracious abs! Alam mo bang pinag-pa-pantasyahan ko 'yan dati." nangingisay pang saad n'ya, kinikilig. "Is he good in bed kaya? I want to seduce him. I want to know if he good in bed. Can I, Natasha? Tutal naman at mukhang hindi ka n'ya gusto." nang-aasar ang tinig n'ya. Nakatutok ang dalawang mata kay Nat.

Mukhang umepekto ang pang-aasar n'ya dahil yumuko si Natasha para hindi maipakita sa 'min ang malungkot na mukha.

"Tama ka. Hindi n'ya ako gusto. Hinding hindi n'ya ako magugustuhan. Kaya kung 'yan ang gusto mong mangyari ay payag ako. Wala namang dahilan kung bakit humindi. Ano bang papel ko sa buhay n'ya? Wala, bukod sa pagiging one night stand n'ya. Kung aakitin mo s'ya ay mag tatagumpay ka. Ganyang katulad mo ang tipo n'ya, yung mga..." hindi nya na natuloy ang sasabihin dahil sa namumuong luha sa kanyang mata.

Nakakaawa s'ya kung titignan mo.

Sinamaan ko ng tingin si Mariah dahil hindi na naman maganda ang biro at pang-aasar n'ya.

"... malandi." pagpa-patuloy ko sa sinasabi ni Nat kanina.

"What the heck, Enticerrie Nymph? Seriously? I was just kidding!" agilap n'ya.

"Kidding? Tarantado!"

Sumimangot s'ya dahil doon. Tumayo ako at pumuwesto sa tabing upuan ni Nat. Hinawakan ko ang kanyang baba para magpantay ang aming tingin.

"Why don't you tell him about your pregnancy?"

"Ayaw ko. Natatakot ako na baka hindi s'ya maniwala sa akin." mahihimigan mo ang lungkot sa kanyang boses.

"Tell him. He's the father of your baby. He have a right to know that. Kung hindi s'ya maniwala, subukan mo ulit. Para sa anak mo. Ayaw mo naman sigurong lumaking walang ama ang anak mo, diba?" tumango s'ya, "pero kapag nasasaktan kana n'ya, you can go with me. I will afford the baby's stuff. I will take care of you. I would treat you like my own sister." mahabang saad ko dahilan nang pag-iyak at pagyapos n'ya sa 'kin.

"Maraming salamat talaga, Eyntice." hagulgol n'ya.

"Shh, tahan na."

Matapos ang mahabang dramahan ay kumain na kami.

"Comfort room lang ako, ah." paalam ko sa kanila.

Nagtaka ako ng tumayo din si Nat.

"Comfort room din?" tumango s'ya, "oh, sabay na tayo."

While we're walking, someone accidentally bumped my shoulder.

Tinignan ko kung sino ang naka bangga sa 'kin at gan'on nalang ang gulat ko ng makita ko si Aaliyah na nakayapos ang kanang braso sa kaliwang braso ni Jax.

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon