Chapter 9

13 2 0
                                    

Pagkagising ay nanakit ang buto sa likod ko. Ikaw ba naman kasi ang humiga dito sa sofa'ng ubod ng kipot at liit ay makakahiga kaba nang maayos? Hindi.

Ayaw ko naman makitulog sa kwarto ni Natasha. At mas lalong ayaw ko makatabi o makasama si Jaxel sa iisang kwarto. Baka mamaya n'yan ay busohan pa ako n'on!

Hindi pa bumababa ang dalawa, siguro ay tulog pa. Kaya naman naisipan kong magluto muna nang almusalan para mamaya.

Simpleng sunny side-up egg, bacon at spam lang ang niluto ko dahil tatlo lang naman kaming kakain.
Pagkatapos magluto ay pinakain ko muna ang mga aso bago umakyat para tawagin sila.

Nasa tapat ako ngayon ng kwarto ko kung saan natutulog si Jaxel.

"Jax, kakain na!" sigaw ko habang patuloy parin sa pagkatok ng pinto.

Aba nga naman. Bakit ayaw ako pagbuksan?

Kumatok ulit ako pero wala pa rin nagbubukas ng pinto. Sa inis ay binuksan ko ang pinto, pasalamat na hindi 'yon naka-kandado.

"Oh my freakin' gosh!" tili ko.

Damnit! Umagang-umaga ay isang napakalaki at habang armas ang nasilayan ko. Lintek!

"Good morning, babe. Please, stop staring at it." suway na ani n'ya.

Umangat ang tingin ko sa mukha n'ya. Nand'on na naman ang ngising hindi mawala-wala sa labi n'ya.

Alam kong pulang pula na ang buong mukha ko sa kahihiyan. Lalo na ang huling sinabi n'ya. Nakakakaba at nakakakilabot.

Tumalikod ako at padabog na sinarado ang pinto, rinig ko ang bungisngis n'ya.

Lintek s'ya. Sinabi ko kagabi ay magbihis s'ya. E, anong ginawa n'ya sa damit na itinapon ko sa mukha n'ya kagabi?! Nako, Jaxel!

Sunod kong kinatok ay ang pinto ng kwarto ni Natasha. Mukhang sakto naman dahil agad n'ya 'yong binuksan. Sumabay s'ya sa akin papuntang ibaba. Naabutan namin si Jaxel na nakaupo, mukhang hinihintay kami.

"O, bakit wala kang hotdog na niluto, Enticerrie? Masarap pa naman 'yon sa agahan." ani Natasha sa kalagitnaan ng umagahan.

Sa tanong n'ya ay nabilaukan ako. Inabot ko ang tubig at ininom iyon. 'Pagkatapos ay walang malisyang pinagpatuloy ang pagkain.

Ramdam ko ang titig ni Jaxel sa akin. At kahit hindi ko nakikita ang mukha n'ya, alam kong nakangisi s'ya ngayon.

Nakakainis ang paraan ng pagngisi n'ya, dahil alam kong may kahulugan iyon para sa kanya.

"Masarap nga iyon. Pero nakakita naman kanina si Enticerrie nang hotdog kaya ayos lang sa kanya kung walang gan'on sa umagahan natin." makahulugang ani Jaxel.

Nasa harapan ko s'ya kaya naman malaya kong nasipa ang binti n'ya. Napa-igik naman s'ya sa sakit dahilan nang pagtingin sa kanya ni Natasha, nagtataka s'ya kung bakit dumaing si Jaxel.

Nang makabawi ay nginitian lang s'ya ni Jax at muling ngumisi sa akin.

"Matigas siguro ang hotdog kaya ayaw n'ya..." muli ko s'yang sinipa, mas malala n'ong una.

"Ayaw nya... kasi mahirap lutuin 'pagka matigas. Hihintayin mo pang lumambot." agap n'ya habang dumadaing pa din sa sakit.

"Sabagay, oo nga. Gaano ba naman kahirap magluto." walang kaalam-alam na saad ni Natasha.

Sinamaan ko nang tingin si Jax na nagbaba lang ng tingin at kumain. Hindi pa rin nakaligtas sa akin ang multo ng ngiti sa kanyang labi.

Buong umaga ay naging tahimik ang bahay. Si Natasha ay laging nandoon sa kwarto n'ya, nanonood ng palabas. Habang si Jaxel naman ay ayaw umuwi dahil dito daw s'ya matutulog ng mga ilang araw. Hindi na ako umangal dahil gusto ko rin naman s'ya makasama.

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon