Chapter 12

10 2 0
                                    

"Anong nangyari sa mata mo? Bakit nangingitim?" tanong ni Natasha pagkababa ko.

Naabutan ko s'yang kumakain ng toast bread at umiinom ng gatas.

"Hindi ako nakatulog ng maayos." ani ko.

Totoo naman. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Paano ako makakatulog ng maayos kung ang kasama mo sa kwarto ay napaka-demonyo? 'Yong tipong pipikit na yung mata mo sa antok pero may demonyong kakalabit sa 'yo kaya 'yong papikit mong mata ay maiididilat. 'Yong tipong aawatin mo dahil sa inis at antok pero mas lalo pang nagmamatigas at nambi-bwiset. Mapapamura kana lang talaga sa inis.

Maaga akong nagising dahil ayaw kong si Jaxel ang unang magising. Dahil panigurado, ako na naman ang bubwisitin n'on. Mukha namang mamaya pa s'ya gigising dahil alam kong puyat din s'ya sa ginawa n'yang kagaguhan kagabi. S'ya itong nam-bwiset pero s'ya pa itong puyat na puyat.

"Hmm." nakatango n'yang usal.

Nagtungo ako sa kusina para kuhanin ang pagkain ng dalawang aso na nakalagay sa maliit na cabinet.

"Jabba... Simba..." tawag ko sa dalawang aso.

Lumapit ito sa akin habang ang mga buntot nila ay nagkukuwasag. Inilapit ko ang tig-isa nilang lalagyanan ng pagkain. Nagsimula na silang kumain kaya naman lumapit ako sa tabi ni Natasha.

"Gusto mo sumama mamaya sa amin?" tanong ko sa kanya habang kumukuha ng toast bread.

"Nino?" tanong n'ya.

"Jaxel." sagot ko.

"H'wag na! Magmumukha lang akong third-wheel." tanggi n'ya.

Ayon na naman 'yong linyahan n'ya 'pag inaaya ko s'ya, lalo na kapag kasama si Jaxel. Iisa lang ang rason n'ya... Ayaw n'yang magmukhang third-wheel!

"Psh. Tatawagan ko si Mariah, aayain ko din s'ya. Panigurado o-oo iyon. Ano? Ayaw mo pa rin sumama?" nakangising tanong ko, "ayaw mo? Okay, madali lang naman akong kausap. Bitter ka lang kaya ayaw mo sumama, e. Walang jowa." ani ko pa atsaka kumagat ng tinapay para hindi n'ya makita ang ngiting kumakawala sa labi ko sa pagpigil ng tawa.

"Ano? Hindi, ah. Syempre naman sasama ako!" aniya habang lumalaki ang mata.

"O, akala ko ba ayaw mong magmukhang third-wheel?"

"Kanina iyon, hindi na ngayon. Atsaka kasama na kasi si Mariah. Sasama na ako para naman hindi s'ya magmukhang third-wheel. Isa pa, miss kona s'ya." ani n'ya, dinidepensahan ang sarili.

"Oo na, ang dami mo pang sinasabi, e. Hindi na lang kasi amining mapait s'ya." binulong ko ang huling sinabi ko.

"Sabi nga kasing hindi ako bitter!" tili n'ya.

Natawa ako. "Okay, okay." saad ko, natatawa pa rin.

"Tinawagan mo na ba si Mariah?" tanong n'ya.

"Hindi pa."

"Tawagan mo na! Papuntahin mo na dito!" ani n'ya, galak na galak.

"Mamaya na." wika ko.

"Eh!" tili n'ya atsaka ako mahinang hinampas sa braso at bahagyang itinulak-tulak.

Napa-iling na lang ako sa kakulitan n'ya kaya kinuha ko ang cellphone na nakalagay sa mesa.

"Punta ka ngayon dito sa bahay." ani ko nang sagutin n'ya ang tawag.

"Wow... What a heart-warming good morning." sarkastikang ani n'ya, "bakit ba? Ano meron?"

"Uuwi na sila mommy at daddy. May kaunting salo-salo lang na gaganapin sa bahay nila. Dito ka na dumiretso sa bahay ko. Miss ka na daw ni Natasha."

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon