"I give up!" inis na sabi ni Mariah.
Padabog siyang tumayo at tumabi kay Finn sa sofa. Yinakap niya ito at parang bata na nagsusumbong.
"Why can't I turn him on, huh? I am sexy and beautiful!" saad niya kay Finn.
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Mariah. "Oo nga, maganda at sexy ka, ngunit hindi lahat ng lalaki ay maaakit mo. Isa pa, hindi mo talaga siya maaakit dahil nasa ibang babae ang atensyon niya," tumingin siya sa akin.
Nginitian ko siya, tinapik ko ang balikat niya. Tumayo ako at pumunta sa tabi ni Jaxel. Nakakunot ang kaniyang noo, tila ba naiinis. Kinalabit ko ang braso niya gamit ang hintuturo ko. Magkasalubong ang kaniyang kilay na tumingin sa akin.
"Galit ka?" tanong ko.
Hinintay ko ang kaniyang isasagot ngunit tumitig lang siya sa akin, pagkatapos ay umiwas. Napaawang ang labi ko sa gulat. Aba, ano ang nangyari sa lalaking 'to? May sapak na naman sa ulo ang gago.
"Hoy, galit ka?" tanong ko pa ulit ngunit inirapan niya lang ako!
Uy, bakla ang gago. May pairap pang nalalaman.
"Don't talk to me. Galit ako," naka-ismid niyang saad.
Ano't bakit 'to nagagalit? Wala naman akong matandaan na may ginawa akong masama para magalit siya. O baka naman trip niya lang talaga magalit kahit wala namang dahilan?
"Gusto mo, tumuwad ako?" wala sa isip kong sabihin iyon sa kaniya kaya ganoon na lang ang gulat ko ng biglang bumukas ang bibig ko at ganoon ang lumabas na salita.
Suminghap siya atsaka tumingin sa akin. "What the fuck? Ano ang sinasabi mo?"
"Gusto mo ba kakong tumuwad ako para mawala ang galit mo? Ayon ang sinabi ko, bakit ba?" tumaas ang kilay ko.
Dinilaan niya ang sariling labi atsaka inis na sinuklay patalikod ang kaniyang buhok.
"Bakit ka tutuwad? Kung tutuwad ka man, ano ang koneksyon n'on para mawala ang galit ko?" maangas niyang tanong.
Napaisip ako. Oo nga, hano. Ano naman ang koneksyon n'on para mawala ang galit niya? Tutuwad para mawala ang galit niya? Namula ang mukha ko ng may naisip na imahe. Nasa likod ko siya, nakatayo, habang ako naman ay nasa harap niya, nakatalikod sa kaniya habang nakatuwad.
"Bakit namumula ka?" nagtatakang tanong niya.
Nanlaki ang mata ko, hinawakan ko ang magkabila kong pisngi atsaka iniwas ang mukha sa kaniya. Nakakahiya. Bakit ko ba kasi naisip ang bagay na 'yon, lalo na at nasa harap ko pa si Jaxel. Ano na lang ang sasabihin niya kung ganoon? Na kababae kong tao ay bastos ako? No way!
"Wala. May naisip lang," namumulang sagot ko.
"Ano naman ang iniisip mo, huh?" nakangisi niyang tanong.
Sa ngisi niyang iyon ay para bang alam na niya ang naiisip ko kanina. Natatakot ako, ayaw kong lumabas sa bibig niya ang salitang iyon at tanungin ako.
"Wala kana d'on!" inirapan ko siya.
"Hmn. Iniisip mo siguro na inaangkin kita habang nakatuwad ka sa harap ko, tama?" ang ngisi niya ay napakalawak.
Nanlaki ang aking mata sa hiya. Hinampas ko siya sa braso at masama siyang tinignan. Tama siya, oo. Ngunit ayaw kong sabihin sa kaniya na tama ang sinabi niya. Magiging pilyo na naman siya, at ayaw kong ganoon ang asta niya.
"Gago kaba? Bakit ko naman iisipin ang bagay na 'yon. Kadiri kaya!" iniwas ko ang tingin sa kaniya.
"Kadiri? Nandidiri ka sa bagay na 'yon pero kapag naranasan mo ay baka umungol ka sa sarap," nagmamayabang ang tinig niya.
BINABASA MO ANG
Still You (On-going)
Fanfiction(Desperate Women Series #1) They are both in a relationship. They are both in love with each other. They are childhood sweetheart... until now, but one day, Jaxel needed to leave her for his heart transplant. And now, her boyfriend left. She was cry...