Tahimik ang naging byahe papunta sa mansyon nina mommy. Walang sinuman ang nag-abalang mag-salita. Kasalukuyan akong naka-upo sa passenger seat habang ang dalawang babae ay naka-upo sa back seat. Si Jaxel ang nagmamaneho ng kotse, dapat nga ay ako ang magmamaneho pero ang sabi n'ya ay s'ya daw ang lalaki kaya s'ya ang magmamaneho. Wala na akong nagawa kaya tinuro ko na lang ang daan patungo sa mansyon.
"We're here." anunsyo ko ng makarating kami.
Pagkababa ay agad ipinalupot ni Natasha ang braso sa braso ko habang si Mariah ay mataray na nakatingin sa aming dalawa. Ipinarada lang saglit ni Jaxel ang sasakyan, ilang sandali ay bumalik din s'ya.
"Baby!"
Pagkapasok ng pinto ay rinig ko na ang sigaw ni mommy. Nang makita ko s'ya ay bumitaw ako kay Natasha at tumakbo papalapit sa kanya.
"Mommy!" dinamba ko s'ya ng yakap.
"Oh my God, baby." humiwalay s'ya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi, bawat nadadaanan ng kaniyang paningin sa aking mukha ay puno ng pagkamangha. "You grown up beautiful like me." aniya.
Napangiti na lang ako.
Lumapit si daddy sa akin at yinakap din ako. "I missed you so much, anak."
Ginantihan ko rin s'ya ng yakap. "Na-miss din po kita, daddy. Isang taon din po kayong nawala."
"Pasensya na, anak. Sisihin mo iyang mommy mo at masyadong in-enjoy ang bakasyon." ininguso pa ni daddy si mommy.
Sumimangot si mommy sa kanya at hinampas sa braso. "E, bakit parang ako lang ang mukhang nag-enjoy? E, diba ikaw din? Lagi kang pumapatong tuwing gabi, natutulog na ako kinakalabit mo pa ako para lang makapatong at makatira." sunod-sunod na ani mommy, hindi man lang nahiya sa mga kasama ko. Agad naman s'yang sinuway ni daddy.
Inirapan lang s'ya nito bilang sagot at nabaling ang tingin sa mga kasama ko. Ang una n'yang napansin ay si Mariah na abot tenga ang ngiti.
"Hi po, Tita Enticelle!" magiliw n'yang bati dito.
"Oh my... how are you, Mariah? Ang ganda-ganda mo talagang bata, kamukhang-kamukha mo ang iyong ina." saad ni mommy habang sinusuyod ng tingin si Mariah. Pansin ko naman na napalitan ang ngiti ni Mariah. Ang kanyang masigla at magiliw na ngiti ay napalitan ng isang pilit.
"Oo nga po." mahinang usal n'ya.
"Oh, who are you, hija?" tanong ni mommy kay Natasha nang mabaling ang paningin n'ya dito. Namumula ang kanyang mukhang nakayuko, hindi masagot si mommy kaya ako na ang nag-kusa.
"Uh... She's my friend, mommy. Her name is Natasha." sagot ko.
Pansin kong nanlaki ang mata ni mommy habang tinititigan si Natasha. Sa titig n'yang iyon ay mas lalong nailang ang isa.
"You look like her..." aniya. Nagulat naman ako, lalo na si Natasha.
"P-Po?" nauutal na tanong n'ya kay mommy.
Umiling lang naman ito at si Jaxel naman ang binalingan. Ngumiti naman si Jaxel kay mommy at bahagyang yumuko. Nagulat ako nang kinuha n'ya ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad ni mommy.
"Good afternoon, Mrs. Altamirano. I'm Jaxel Ashton Villegas, kasintahan po ng anak niyo." saad nito.
Nanlaki ang mata ko.
Ano? Bakit n'ya sinabi iyon? Hindi ba s'ya makapaghintay na ako ang magsabi?
"Oh, yes. I know you and your parents." kinikilig na wika ni mommy, tila ba binaliwala ang huling sinabi ni Jaxel.
BINABASA MO ANG
Still You (On-going)
Fanfic(Desperate Women Series #1) They are both in a relationship. They are both in love with each other. They are childhood sweetheart... until now, but one day, Jaxel needed to leave her for his heart transplant. And now, her boyfriend left. She was cry...