Chapter 3

23 8 0
                                    

Matapos namin mag-usap ni Natasha ay umalis na din s'ya para makapag-impake. She gave me the address of her house para alam ko kung saan ko s'ya susunduin mamaya. 

"One more push, miss." ani ko sa babae. 

"Ahh!" iri nya. 

And again... ang iyak ng bata ang maririnig mo dito sa kwarto. 

"Claire, clean the baby." ani ko sa nurse na kasama ko. 

"Okay po, Dra." 

Pag kapasok ko ng kotse ay hinubad ko ang aking white coat. 

Natasha... 

She seems so familiar to me. At talagang napakagaan ng loob ko sa kanya. 

Pinarada ko ang aking BMW sa tapat ng isang maliit at may kalumaan na bahay. 

Kumatok ako. Pagkaraan ng ilang segundo ay bumakas din agad. 

"Enticerrie, pasok ka." binuksan n'ya ang pinto para makapasok ako.

"Mauupo ka muna." she offered me to sit, sa mono block chair, "pasensya kana, hindi pa kasi ako tapos mag-impake." nakatungong aniya. 

"It's okay. I can wait." I smiled. 

Ngumiti din s'ya sa akin bago umakyat sa kahoy na hagdan. 

Iginala ko ang aking sarili sa bahay n'ya. Not bad. Ang kaniyang tinitirahanay maliit ngunit malinis. Dito sa salas ay may makikita kang isang mahabang upuang ratan. May kahoy din doon na lamesang maliit. Tumingin ako sa galid at nakita ang TV nilang hindi gaano kalaki, mukha ng luma ngunit sa palagay ko ay umaandar pa naman.  Umikot muli ang tingin ko at naghahanap ng uusisain.

Nahagip ng paningin ko ang isang frame na nakadikit sa dingding. Isa 'yong matandang babae na nakapusod ang buhok paitaas. Nahahaluan na ng puti ang kaniyang kulay itim na buhok. Makikita mo rin na kulubot na ang kaniyang balat ngunit dahil sa ngiti niyang naka-ukit sa labi ay mababakas mo ang kagandahang taglay niya. She's indeed pretty!

"Sya si Mama Beatriz." napatingin ako kay Natasha, bitbit ang dalawang maleta, "sya ang kumupkop sa akin. Napaka bait nya. Yung tipong kahit na hindi n'ya ako tunay na anak ay ipinakita at ipinaramdam pa rin n'ya sa akin ang pag mamahal n'ya bilang isang tunay na nanay." nakangiting wika n'ya, inaalala ang mga panahong naroon pa ang kanyang Mama Beatriz. 

"Anyway, tara na." aya n'ya. 

Ni-lock n'ya ang bahay at sinulyapan pa ng isang beses bago sumunod sa akin. 

Nilagay ko ang dalawang maleta n'ya sa compartment ng sasakyan ko. 

Buong byahe ay napaka-tahimik, nakaka-bingi sa sobrang tahimik. What should be our topic? Yung hindi boring. Ah! Alam ko na. 

"Natasha.." tawag pansin ko sa kanya at lumingon sya sakin, nagtatanong ang kanyang mga mata. "Is it okay if I ask you a question?" kailangan ko ng permiso nyya, baka kasi pag nagtanong ako, eh, sabihin nya na nakikipasok ako agad sa buhay n'ya. 

Mabuti ng handa, kesa naman mahusgahan. 

"Yes. What is it?" 

"W-Who is the f-father of your baby?" nag-aalangan man ay tinanong ko iyon. 

"Si Lucius Villacortez. A very famous model guy who took my virginity. That jerk! He took advantage 'cause I'm drunk that time! I'm very wasted that damn time!" galit na aniya. 

Oh? Lucius Villacortez? The hottie guy? Wow. 

"Is he good in bed?" I unconsciously asked and that made her face reddened out of embarrassment. 

Still You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon