3 : The Classic

27.4K 753 80
                                    


🎶 Kung lumisan ka, 'wag naman sana

-----

Marian

PATULOY parin ako sa paglilinis ng hotel room ni sir Seb habang natutulog na siya. Paminsan minsan ay naririnig ko parin ang boses niya na tinatawag iyung si Kara. Pero hinahayaan ko na lang. Siguro ay dahil narin sa alam kong epekto iyon ng alak sa sistema niya. True enough, alcohol is a truth potion. That specific girl must have be special to him.

Pagkatapos kong malinis lahat ay umalis na din ako sa loob ng hotel room niya. Naabutan ko si Gigi na may inaayos sa staff room.

" Aria, kamusta?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako.

" Okay lang. Nasa loob si sir Seb. Lasing" I told her.

" Ganon ba? Ganun talaga iyun. Iyun din ang palaging sinasabi ni Christina sa akin. Madalas ay naaabutan niya si sir Seb na umiinom. Ganun daw talaga iyon" She explained. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko para tanungin sa kaniya kung sino si Kara.

" May binabanggit siya sa aking pangalan. Kara" I told her.

Tumango din ito bago muling nagsalita.

" Si Ms. Kara ba. Dating girlfriend iyun ni sir Seb. Araw araw sila magkasama non. Palagi naming nakikita pero last year lang ata, naghiwalay daw ang dalawa. Ewan ko lang ha pero ang nakarating sa akin na chismis, may iba daw iyung babae tapos ikakasal na daw ngayong taon sa ibang lalaki. Hindi ko alam kung totoo pero ganyan ang chismis eh. Minsan may dagdag, minsan din may bawas pero kadalasan fake news." Untag niya na lamang sa akin.

" Siya nga pala Aria, maaga akong mag-oout ngayon. Nagpaalam na ako kay Sir Gadon. Nagkasakit kase iyung bunso ko, kailangan kong dalhin sa ospital. Nilalagnat kase at nagsusuka na din" She said.

" Sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi, Gigi. Sana ay bumuti na din ang kalagayan ng anak mo" I just told her.

She gave me an assuring smile before getting her bag, ready to leave.

" Alis na ako, Aria. Mag-ingat ka din" Paalam niya sa akin.

I sighed as I saw her leave.

" Kaya mo 'to Aria. Fighting" I encouraged myself as I walked going back to the hallway. Kumuha ako ng mga bagong bedsheet at pillow cases bago pumasok ulit sa hotel room kung saan ako assigned.

Ganon ang ginagawa ko hanggang sa pumatak ang oras at hindi ko namamalayang umaga na pala. Out ko na pero imbes na umuwi ako ay pinagdesisyonan kong pumunta muna sa botanical garden. That place has been my comfort zone for so many years. Kapag pakiramdam ko punong puno na ako. Kapag pakiramdam ko sobrang pagod na ako, dun ako nagtatambay.

Nagjeep ako papunta sa botanical garden

NANG MAKARATING na ako sa botanical garden ay umupo ako sa lumang bato. Mga halaman lamang at mga puno ang nakikita bukod don ay ang mga paru paro na may iba't ibang kulay.

My gaze averted at a family taking pictures. Maslalo akong nalungkot dahil kailanman ay hindi ko naranasan na magkaroon ng pamilya. The only family that I have was taken away from me.

Minsan ay gusto ko na lang umiyak. Pero ano ba ang silbi ng luha kung wala rin lang mababago. Even if I cry an ocean of tears, that won't give me what I hoped for. That won't bring back the life of my mother.

Life is cruel. And even if you see the beauty in life, there will always be darkness at the end of the line.

Pagod na pagod na ako. Pagod na akong lumaban. Pero hindi ibig sabihin nun ay titigil na ako sa laban.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon