8 : The Jealousy

24.6K 753 73
                                    


🎶 Mundo'y magiging ikaw

-----

Marian

NAKITA kong nauna ng pumasok si Seb sa loob ng hotel at sumunod naman ako.

Bakit ba sobra akong apektado sa nakita ko kanina? Naglakad ako papunta sa elevator ng makita ko si Seb na nandun din na naghihintay. Sa pagkakaalam ko ay may sariling private lift ang mga Hans kaya naguguluhan ako kung bakit siya nandito sa pangempleyadong elevator.

Saktong makarating ako sa tapat ng elevator ay bumukas ito. May laman pero umalis din. He waited for me to enter the elevator before entering. Pakiramdam ko tuloy nakakulong ako. Iba kase ang pakiramdam ko gayong alam kong dalawa lang kaming nakasakay sa loob.

Walang nagsalita sa amin pero tinitiyak kong nakatingin siya sa akin. Shit ang init!

Tumunog iyung elevator senyales na nasa tamang floor na ako pero nang lalabas na sana ako ay pinigilan niya ako.

He held me by my waist as he stoppped me from leaving.

" May tanong ako, Marian. Di ko masagot kaya tatanungin nalang kita" He asked. Ano ng nangyari sa lulubayan niya na ako?

" Ano"

" Iyung payat kanina, ano mo iyun?" Ang lakas ng loob niyang tanong sa akin.

" Seb, wala ka ng pakialam kung sino siya. And please pinag-usapan na natin 'to diba. Sabi mo lulubayan mo na ako diba?" I told him. Pero umiling siya.

" Sabi mo nga. Pero sabi ko din susubukan ko. Di ko kaya kaya di kita lulubayan. Uy di ako nagpramis ah. Marian naman, ba't tayo may 3rd party. Ayoko nung ganon. Ibasted mo na dali. Dapat faithful tayo" What the heck! Parang siya ang faithful.

" Sino kaya sa atin ang may babae nung isang araw?" Wika ko. Napangisi siya sa akin.

" Sorry na. Di na mauulit" He explained

" Alam kong mali iyun. Alam kong mali ang may ibang babae bukod sa babaeng mahal ko. At inaamin ko na mali iyun. But that doesn't mean that I'm not faithful Marian. Kapag sinabi kong ikaw ang aking bukod tangi, hindi ako nagsisinungaling" Seryoso niyang wika sa akin.

" Saka mo na sabihin iyan sa babaeng mamahalin mo, Seb" Bakit ko ba kase tinanong sa kaniya iyon?

Ayoko mang aminin pero imposible naman sigurong nagseselos siya. He can't be jealous. Wala siyang karapatang magselos.

" Seb please. Huwag dito" Wika ko sa kaniya. Ayoko ng tingin niya sa akin.

" Kailan pa iyun nanliligaw?" Tanong niya muli. Hindi ko siya sinagot kaya ikinulong ulit niya ako sa elevator.

" Ano nga? Kayo na ba? Talo na ba ako? Hindi ako nagpapatalo" Sunod sunod parin niyang tanong sa akin.

Galit akong tumingin sa kaniya.

" Bakit. Kung sasabihin ko bang oo titigilan mo na ako?"

" Hindi. Bakit sana. Di ako madaling sumuko. Di kita susukuan. At alam kong nagsisinungaling ka lang. Di mo naman boyfriend iyun eh. Diba" Ang lakas ng loob niyang saad sa akin.

" Seb huwag na please. Sinabi ko naman na sa 'yo iyung dahilan ko diba. Ayaw kitang paasahin. Hindi tayo puwede, Seb. Alam kong wala naman tayong kasalanan sa nangyari noon pero kailangan nating tanggapin na hindi puwede. Seb hangga't maaga pa, lubayan na natin ang isa't isa please" I begged. I hate begging. Pagod na pagod na akong magmakaawa sa ibang tao.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon