6 : The Suitor

22.9K 786 58
                                    


🎶 Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo

-----

Marian

Gulat kaming lahat ng ipatawag kami ni sir Gadon.

" May good news ako ngayon. Eto ha makinig kayo, first time lang 'to nangyari sa tagal kong nagtatrabaho dito." Umpisa niya. Lahat ay mukhang biglaang kinabahan sa sasabihin ni sir Gadon. Interesado kaming lahat na makinig sa anumang sasabihin niya.

" Ngayong gabi ay maaga makakauwi ang lahat. Utos 'to mula sa boss natin." Wika ni sir Gadon. Lahat kami ay natuwa sa pinarating ni sir Gadon pati ako.

" Sir Gadon pati po ba kayo?" Tanong ng isa naming kasama na nagtaas pa ng kamay. Napameywang tuloy si sir Gadon at mukhang nagalit sa naging tanong ng kasama namin.

" Shempre. Ano sa tingin mo? Uuwi ka tapos maiiwan ako dito?" Galit na wika ni Sir Gadon. Iyung iba ay tinatago ang ngiti. Pati ako ay gusto ding ngumiti pero nawala ang sanay ngiti ko ng makita ko si Seb.

May sasabihin pa sana si sir Gadon ng magreact iyung mga kasamahan ko dahil kay Seb na naglalakad na papunta sa gawi namin.

He is not wearing his business suit like how we used to see him. Nakasuot lang ito ng simpleng tshirt at maong pants na bagay na bagay niya. At his age of 24 who would have thought that he would be this successful. Iyung bang hinahangaan ng karamihan. Halos meron na nga sa kaniya lahat eh. Magkaedad lang kami pero ang layo ng agwat namin pagdating sa nakamit sa buhay.

Napatigil si sir Gadon sa kakasalita at tumingin sa kaniyang likod.

" Sir Seb kayo po pala." Ngayon ay ang bilis magbago ng pakikitungo ni sir Gadon sa amin.

Nginitian lang siya ni Seb bago niya ibinalik sa akin ang kaniyang tingin.

" Hi" Bati niya agad sa akin na nakangiti. I did not greet him back. Nakatingin na kase sa akin lahat ng mga kasama namin

" Goodevening everyone. I know that everybody is tired that's why I made this night a break for everyone. Don't worry, I will take care of everything." Nakangiting wika niya sa lahat. Lahat ng mga kasama namin ay nagsingitian. Pati narin si Gigi na gustong gusto ng umuwi sa mga anak niya.

" Thank you po sir Seb."

" Maraming salamat ho sir Seb"

" Salamat po sir Seb"

Isa isang nagpasalamat kay Seb bago isa isang pumasok sa staff room para makapagpalit. Si Gigi naman ay nakakapansin na dahil sa mga titig sa akin ni Seb kanina pa. E parang nakapako naman kase ang mga tingin niya sa akin.

Tumingin ako kay Seb na nakangiting nakatingin sa akin. Bakit ba siya nandito? At bakit niya kami pinapauwi?

Hinila ko na si Gigi na palipat lipat ng tingin sa amin ni Seb.

" May something kayo no?" Bulong niya sa akin na ginaya ang tingin kay Seb na naghihintay sa amin sa labas habang hinihila ko siya papasok.

" Wala Gigi. Pero may nangyari kase kanina" I told her the truth. Wala naman kase kaming something. Mukhang nakahalata na din siya kaya nakinig siya sa akin.

" Anong nangyari? Ikaw Aria ha, iba na nasa isip ko" She joked. I told her everything except the kiss scene that happened in the elevator and the waist touching. Naintindihan naman niya.

We both gazed at Seb who was still waiting outside.

" Mukhang di ka niyan lulubayan. Kausapin mo kaya ng maayos. Pero gusto lang kitang balaan, Aria. Matinik iyan sa babae. Alam mo naman kung ano ang gusto niya diba. Pasensha na kung diretsahan 'tong sinasabi ko Aria pero ayoko lang na masaktan ka sa huli" She told me as she wore her jacket.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon