4 : The Lady

25.1K 783 52
                                    


🎶 Ika'y kumapit na, nang 'di makawala

-----

Marian

" Sa tingin ko ay hindi naman ata magandang tignan na ikaw ang boss ko pero imbes na nandito ako para maglinis ay iba ang ginagawa ko" I told him. He doesn't seem to see it. Hindi niya maintindihan ang gusto kong ipahiwatig sa kaniya.

Tumingin siya sa akin na para bang isang kasalanan ang sinabi ko.

" Bakit. Ano bang tingin mo sa ginagawa natin? Marian, we are just eating. Ginagawa 'to ng dalawang taong magkaibigan" He explained.

Friends?

Magkaibigan?

" I'm sorry pero ayaw kong makipagkaibigan sa 'yo. Malinaw na malinaw ang papel ko sa buhay mo sa pagkakataong ito at hanggang dun na lamang iyon" Wika ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa kaniya pero nakitaan ko siya ng lungkot na may halong galit.

" I don't mean to be rude, Sebastian. Gusto ko lang linawin sa iyo na trabaho ang pinasok ko at hindi ang pakikipagkaibigan sa 'yo" I explained to him. Ni hindi ko nga alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko na tawagin siyang Sebastian.

He looked at me. Pero hindi nawala sa mga paningin ko ang singsing sa kaniyang kamay. On his left ring hand was a ring. Ibig sabihin non kasal na siya?

Napansin niyang nakatingin ako dito kaya siya na mismo ang nagsalita.

" I'm not married if that's what you want to hear." He simply answered.

" Hindi ko naman karapatang malaman Seb." Wika ko sa kaniya pero pinagpatuloy lamang niya ang pagsasalita.

" You saw me drunk that night. I'm sorry. You shouldn't have seen that." Paumanhin niya. Tumahimik ako. Hindi ko kase lubos isipin na marunong din pala siyang mag-sorry at magthank you.

" You might have also heard me saying her name." He added. Ngayon ay tumingin ako sa kaniya.

" Fiancee ko. Aasawain ko sana kaso sumama sa iba. Sumama sa masmayaman. Sa masguwapo daw." Ngayon ay ramdam ko na ang sakit sa kaniyang boses. I should be happy to see him miserable. Gaya ng ginawa ng pamilya niya sa amin ng mama ko pero bakit iba ang nararamdaman ko? Maskinakaawaan ko pa siya.

I should gain happiness in his sadness. But I don't.

" Ba't mo sinasabi sa akin?" I asked.

" I don't know Marian. I don't know" Anong you don't know. May sagot bang ganon.

Nang matapos na akong kumain ay tumayo na ako at kinuha iyung plato ko para ilagay sa sink niya. I was thinking to wash it but he also stood up. Segundo lamang ang lumipas at naramdaman ko na siya sa likod ko.

" Hindi ko pinaghuhugas ang babae. Lalaki dapat ang gumagawa niyan para sa kanila. Upo na Marian. Balik ka na dun. Ako na bahala dito" He said. Pero nagmatigas ako. Ang paghuhugas naman kase ng pinagkainan ay masbagay na gawin ng mga babae.

Nagpatuloy akong maghugas ngunit nagulat na lamang ako ng maramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko. Nabitawan ko tuloy iyung hinuhugasan kong plato. Buti nalang at hindi ko ito nabasag.

" Bakit. Anong ginagawa mo?" Gulat ko paring tanong sa kaniya. This time, I heard him whisper on my ear.

" Put down the plate, Marian. Please" He whispered. His voice was seductive. Erotic. Maslalo akong naalarma sa tono ng boses niya. May instincts would tell me to run. To run away from him because he is a walking cautionary tale. Para kong inihahain ang sarili ko sa leon.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon