🎶 Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo-----
Marian
Kung puwede lang sana huwag na akong magpakita pa sa kaniya. Hindi na niya ako hahabulin pa, alam ko iyon dahil nakuha na niya ang gusto niya. Kahit pa sabihin nila na tanga ako. Bakit hindi ko pinaglaban? Bakit hindi ako humabol? Bakit?
Isa lang naman ang sagot ko.
Nagmahal ako pero hindi ito nasuklian.
Pagkatapos nung araw na iyon ay hindi na ako pumasok pa sa trabaho. Nagsubmite na lamang ako ng resignation letter ko at tinapos na ang lahat ng koneksyon ko sa kumpanya.
Maayos din akong nagpaalam kay Gigi. Sinabi ko sa kaniya lahat ng dahilan ko. Naiyak siya pero sinabihan kong okay lang.
May mga pagkakataon kase na kailangan kong umalis. Alam ko din kase sa aking sarili na hindi ako puwedeng tumagal sa pinagtatrabahuan ko.
" Mag-iingat ka lagi Aria. Masama ang loob ko sa ginawa sa 'yo ni sir Seb pero wala akong magagawa. Sana ay alagaan mo ang sarili mo Aria." Wika sa akin ni Gigi. Napapikit na lamang ako. Ayokong kinakaawaan pero andito ako, kinakaawaan ng taong naging kaibigan ko.
Tipid akong ngumiti bago nagpaalam sa kaniya.
" Oo naman. Nagkamali ako pero hindi pa naman end of the world diba? Kaya habang may buhay, may pag-asa." Gusto kong matawa dahil sa sinabi ko. Ang tagal ko ng sinasabi iyan sa sarili ko pero hanggang ngayon ay ganito parin naman ako. Walang nagbago. Maslalo pa ngang nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
" Sana ay magkita tayong muli Aria." A promise was evident in her voice. Tumango ako bilang pagtugon.
" Oo naman. Magkikita pa tayo. Alis na ako Gigi" Untag ko sa kaniya. Niyakap ko siya sa kahulihuliang beses bago umalis. Ang totoo niyan ayokong magtagal dito sa hotel dahil ayokong maabutan sina Seb. Malinaw naman para sa akin ang lahat. Hindi na niya kailangan pang magpaliwanag para maintindihan ko ang nangyayari.
I hope Kara gets better. Hangad ko din ang kaligayahan nila. Gustong gusto kong sigawan ang sarili ko dahil alam ko naman sa una palang na may babae na sa kaniyang nakaraan. Ang tanga ko lang kase pumatol pa ako sa lalaking hindi pa nakakamove on. Hindi ako nagparaya. Hindi din ako sumuko. Wala namang dapat iparaya dahil hindi naman naging akin. At wala ring dapat sukuan dahil wala namang dahilan para ako ay sumuko.
Lumabas ako ng hotel building at sumakay ng jeep. Ewan ko ba pero gusto ko ulit tumambay sa botanical garden. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sobra. Parang pinipiga iyung puso ko ng ilang beses at hindi na natapos pa. Hindi naman siguro masama kung bigyan ko ang aking sarili ng isang araw. Isang araw para makahinga muli. Isang araw para sa sarili ko.
Umupo ako sa may malaking bato at tumingin sa mga makulay na halaman.
" Mawawala din iyan Marian. Mawawala din" Paulit ulit kong untag sa aking sarili. Lumaki ako na natutong lumaban. Natuto akong huwag sumuko sa buhay. Kahit na hindi ko alam kung bakit ba ako buhay pa hanggang ngayon. Natuto akong maging matatag. Natuto akong pahalagahan ang aking sarili. Dahil kung hindi ko gagawin iyon, walang ibang gagawa. Kailangan kong kayanin dahil wala namang ibang tutulong sa sarili ko kundi ako lang.