18 : The Hidden

30.4K 1K 231
                                    


🎶 Hindi na maliligaw

-----

Marian

Hanggang kailan ako magbabayad? Kahit gustuhin ko mang tanggalin sa buhay ko si Seb ay hindi ko magawa dahil noon pa man ay alam kong parte na siya ng buhay ko.

At ang itago ang katotohanan sa anak ko ay hindi ko magagawa.

Tumingin ako sa anak ko bago ako tumango.

" Yes anak. Diba sabi ko sa 'yo uuwi si Daddy mo soon para makita mo na siya" I was trying so hard to control my tears. Ayokong umiyak sa harap ng anak ko. Wala kami sa tamang lugar para magdrama ako.

Kitang kita ko kung paano mapako ang tingin ng anak ko kay Seb bago ito mapayuko.

My gaze averted to Sebastian. Nalakad siya palapit kay Sean at niyakap ito.

" I'm here son please don't cry" Wika ni Seb kay Sean na ngayon ay niyakap din siya pabalik.

" Daddy" Untag ni Sean. This time, I saw how those tears that Sebastian was trying yo suppress fell down from his eyes as he hugs my son tenderly.

" Yes I am your daddy. I am home and I won't be leaving you anymore. Daddy will be staying and I will be with you everyday" Sunod sunod na wika ni Seb sa anak ko.

Pinunasan ni Seb iyung mga luha mula sa pisngi ng anak ko bago nito inayos iyung uniform na suot niya.

" Daddy will not leave anymore. Daddy is so proud of you Sean" Wika niya. Nang maayos na si Seb at Sean ay dumating iyung nurse dala iyung injection. Maliit lang iyung injection na dala nito ngunit alam kong masakit parin iyon kung itutusok sa anak ko.

Si Seb na ang kumandong kay Sean para matusukan ito.

" Ma'am, Sir itutusok ko na po iyung gamot. Baby medyo masakit parang kagat lang ng lamok" Untag nung nurse

" My son is brave. Right Jaguar?" Tanong naman ni Seb kay Sean na agad namang tinanguhan ng anak ko. Parang kanina lang sila nagkita pero parang close na sila kung titignan mo.

Pagkatapos maitusok nung nurse iyung gamot ay pinayuhan kami nung doktor sa mga dapat naming gawin at obserbahan. Pinayuhan din kami ng doktor kung kailan kami dapat bumalik. Si Seb ay nakinig ng husto sa sinabi nung doktor.

I was about to pay for my son's vaccine fee including his ER fee when Seb brought out his wallet and paid it before I hand my money.

Hindi na ako umapila pa dahil ayokong gumawa ng eskandalo sa ospital. Kanina pa tahimik si Rina at halata kong inoobserbahan lang kami ni Seb. I will tell her what's happening soon when we get home. Pero sa ngayon ay kailangan kong kausapin si Seb.

KASALUKUYAN kaming nasa kotse niya habang hinahatid niya kami pauwi sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang masa isip niya pero isa lang ang nasisigurado ko, hindi ko magugustuhan kung ano man ang binabalak niya.

Halos ala una na ng hapon ng matapos kami sa ospital. Maraming pasyente pero dalawa lang iyung nurse na nakita kong nakaduty kaya medyo mabagal ang pagproseso.

Nakakandong sa akin si Sean na ngayon ay tulog na. Napagod siguro sa kakaiyak kanina.

Hindi pa kami nakakapagtanghalian kaya medyo gutom na rin ako. Maslalo na iyung anak kong hindi pa nakakakain.

Nang makarating kami sa bahay ay pinark niya muna iyung sasakyan niya sa tapat ng bahay bago kami lumabas.

" Rina, ano pala ang puwedeng lutuin na nasa ref?" Tanong ko kay Rina pagkababa namin.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon