13 : The Beginning

21.9K 896 164
                                    


🎶 Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo

-----

Marian

Five years. Ang habang panahon na ang nakalipas ngunit sariwa parin sa akin ang sakit na epekto sa akin ng nakaraan.

Naging Business consultant ako ng isa sa malaking kumpanya, the Zarate hotel. Hindi naging madali ang pinagdaanan ko sa loob ng limang taon. Lahat ng hirap, lahat ng pagod ay kinaya ko alang alang lang sa anak ko.

Isang guwapo at malusog na bata ang naging bunga ng isang gabing kapusukan namin ni Seb. I named him Sean Anthony Constancia. I did not give him the name of his father because I don't even know if his father accepts him.

Siguro nga ay masmaganda na iyung ganito kami. Tahimik lang ang buhay namin at malayo sa mga Hans. He might be a married man already. Baka may sarili na din siyang pamilya ngayon.

He might have loved another woman but I never loved another man after him. Tanging siya lang ang lalaking minahal ko at mamahalin ko hanggang sa nabubuhay ako.

" Mama!" Sinundo ko si Sean sa kindergarten school niya. Bibo ang anak ko. Sobrang guwapo din katulad ng ama niya. Everyday when I look at my son's face, I saw his father. Malakas ang dugo ni Seb dahil ni isa ay walang namana si Sean sa akin. Lahat ay sakaniya ito nakuha ni Sean.

Patakbong lumapit sa gawi ko si Sean.

" Look mama, I have three stars!" Pagmamayabang na wika sa akin ni Sean. Napangiti ako bago hinalikan ang anak ko.

" Wow! Really! That's great. Galing galing naman ng baby ko" Masaya kong wika sa anak ko bago ko kinuha iyung bag niya.

" Mama I'll show this to tito Sid so that he will buy me more toys" Untag niyang muli. Si Isidro ang kasama ko nung panahong buntis ako. Kahit na pagiging kaibigan lamang ang naibigay ko sa kaniya ay hindi niya ako pinabayaan nung mga panahong kasama ko siya.

" Ang dami mo ng toys sa bahay anak." Binuhat ko si Sean at isinakay sa sasakyan ko. Sa loob ng ilang taon ay nakaraos ako sa kahirapan. Nagkaroon ako ng bahay, hindi ganon kalakihan ngunit maayos at okay na para sa amin ni Sean. Nakabili din ako ng sasakyan last year.

" I will share it to my friends mama" Napangiti ako sa naging tugon ni Sean.

Ang daming kaibigan ni Sean. Halos lahat ng makita niyang bata kaibigan parang kaibigan niya.

" Seat belts" Nakangiti kong wika sa anak ko. Sinasanay ko siyang maglagay ng seat belt.

" At dahil good boy si Sean ngayon, pupunta tayo sa mall" Untag ko. I want to pamper my son with everything that he deserves. Lahat ng hindi ko naramdaman at nasubukan nung bata ako ay ayokong ipagkait sa anak ko.

" Yehey! I love you mama!" Ang saya niya. Binuksan niya iyung bag niya at kumuha don ng baon niya. Mahilig kumain si Sean. Iyun nga lang at pinagbabawal ko ang candies at chocolates. Strikto ako pagdating sa pagkain na puwedeng makasira sa ngipin. Biscuits at waffles ang kadalasan niyang kainin. Iyung baon niyang juice ay ako naman ang gumagawa nun.

Nagdrive ako hanggang sa parking lot ng mall. Nang maayos kong ipark iyung sasakyan ay nauna na akong bumaba at pumunta sa gawi ni Sean para tulungan itong bumaba.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon