7 : The Silence

21.8K 787 78
                                    


🎶 Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo

-----

Marian

TAHIMIK kami buong biyahe. 8:30 palang ng gabi pero bakit pakiramdam ko hating gabi na dahil wala manlang kaingay ingay sa paligid.

Alam kong nasaktan ko siya. Pero sana ay maintindihan niya na nasasaktan din ako. Ang hirap pala kapag nasa ganitong sitwasyon ka. Pakiramdam ko kase ang hirap huminga. Lalo na't ganito siya katahimik ngayon.

" Saan ka pala nakatira?" Tanong niya. Sinabi ko sa kaniya iyung address ng boarding house ko at tumahimik muli. Wala naman na siyang naging tanong pa pagkatapos. Nakakapanibago lang kase dahil iba ang pakiramdam kapag ganito siya katahimik.

Nang makarating kami sa boarding house ko ay pinark niya ng maayos iyung sasakyan niya. Akala ko ay aalis din pero itinigil niya ito. Alam kong hindi ako puwedeng lumabas dahil nakalock iyung pintuan kaya naghintay ako.

He looked at me for a moment.

" Midnight. I want you to do your housekeeping services during midnights, Marian." He said. Kahit naguguluhan ako ay tumango parin ako bilang pagtugon sa sinabi niya.

Kasabay non ay narinig ko ang pagclick nung lock ng pintuan ng kotse niya.

" Salamat" Wika ko bago bumaba pero nagulat ako ng bumaba din siya.

" Seb"

" Ihahatid lang kita sa loob Marian. Hindi mo naman siguro ipagkakait iyan sa akin diba. Gusto ko lang makasigurado na maayos kang uuwi" He said. Nauna na akong naglakad at sumunod naman siya. Siguro ay nakikita na niya na sa isang lumang building ako nakatira. Mahal kase ang upa sa mga maayos na boarding house. Hindi ko pa kayang bayaran ang ganon kalaking halaga.

Napabaling ako sa kaniya nang makarating na kami sa pintuan ng boarding house ko.

" Dito na ako, Seb" I told him. Isang tango ang ginawa niya pero hindi nawala sa paningin ko kung paano siya tumingin sa labi ko.

" Goodnight, Marian" He said.

I nodded before entering my boarding house

" Mag-ingat ka sa pag-uwi" Iyun lamang ang sinabi ko ngunit isang ngiti ang natanggap ko mula sa kaniya. Nagulat pa ako dahil sa pagngiti niya.

" I'll do that. Mag-iingat ako sa pagmamaneho" He said meaningfully.

Sebastian

If there's someone I need to talk to, it would be my father.

Ang sakit pala sa dibdib nung mga sinabi ni Marian. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. Even with Kara, I have never felt this with her.

Pagkatapos ko siyang ihatid ay dumiretso ako sa bahay ng aking mga magulang.

My parents' house is a damn building. Ang feeling kase ng tatay ko masyado. Napanaginipan daw niya sa 20 ang magiging anak niya pero dalawa lang kami ni kuya.

20. Pero wala iyung zero, iyung 2 lang. Tsk di niya alam magsolve.

I drove my car all the way inside, passing through the huge gates and parked it infront of the house.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon