🎶 Mundo'y magiging ikaw-----
Marian
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa play station.
" Mama, can we go buy some toys after we finish playing?" My son asked me. Toys again. Halos mapuno na nga iyung kuwarto niya sa bahay ng mga laruan niya.
I fixed my son's hair as I carry him.
" Everything for my little guy" I smiled. Minsan ay bilang isang ina, bumabawi na lamang ako sa aking anak sa pamamagitan ng pagbigay sa kaniya ng mga gusto niya na kaya kong ibigay. Some might say that I am spoiling my son and yes I accept that. Bilang isang ina natutunan ko na may mga bagay parin pala na hindi ko kayang ibigay sa anak ko na tanging si Seb lang ang makapagbibigay nun. Ang hirap maging isang ina lalo na dahil masyadong magaling ang aking anak. Masyado itong madaming tanong sa akin lalong lalo na sa kaniyang ama. Most of the times Sean asks me how his father looks like. Kung matangkad ba ang papa niya. Kung itim din ba ang buhok ng papa niya.
Minsan hindi ko na alam kung paano sagutin ang mga tanong ng anak ko.
Pumasok kami sa play house at dumiretso ako sa ticket chamber.
Nakita kong nakatingin na naman si Sean sa mga teenagers na naglalaro ng basketball. His eyes were glued on a tall man carrying a little boy who was shooting the ball on the ring. Nakita ko kung paano mapayuko muli si Sean dahil sa nakita niya.
Huminga ako ng malalim bago lumuhod sa harapan niya.
" I can carry Sean if he wants to play basketball" Nakangiti kong wika sa anak ko. Tipid siyang ngumiti bago tumango.
Ngumiti ako bago siya binuhat. Masyado kaseng mataas iyung basketball court kaya kailangan ko siyang buhatin.
It took my son more than 30 minutes in playing basketball. Nangalay iyung kamay at paa ko pero parang hindi ko manlang nararamdaman ang pagod ko.
After playing, I took out his bottle of water from his nag and gave it to him.
I fixed his hair again before carrying him.
" Ice cream?" Tanong ko sa anak ko.
I saw him smile.
PUMUNTA kami ni Sean sa may ice cream stall para bumili ng ice cream na gusto niya.
Sean's favorite flavor is vanilla. Ayaw kase niya ng chocolate dahil maitim daw ang kulay. May pagkaarte din iyung anak ko. Hindi ko alam kung kanino nagmana. Sa pagkakaalam ko hindi naman maarte si Seb. Pero hindi ko alam kung ganon din ba si Mr. Gregory o si Ma'am Melissa. Hindi ko alam kung saan nagmana ang anak ko dahil okay naman sa akin ang chocolate flavor na ice cream.
Nakatayo ito sa harap ng ice cream stand at kahit nakatingkayad na ay hindi niya parin makita ng maayos kaya binuhat ko ulit siya.
Hinayaan ko siyang mamili ng flavor na gusto niya. At gaya nga ng nasa isip ko, pinili niya iyung vanilla flavor na ice cream.
Nang makabili kami ay dumiretso agad kami sa toy kingdom. Mahilig sa eroplanong laruan si Sean. He have chosen another airplane toy. Wala din naman akong ibang paggagastusan sa sweldo ko kundi ang mga gastusin sa bahay at ang anak ko.
Maaga kaming umuwi ni Sean, nagtake out kami para kay Rina dahil tinawagan ko siya kanina na huwag ng magluto dahil bibilhan namin siya ng pagkain.
Kahit pagod ako ay parang wala lang sa akin basta makita ko ang aking anak na masaya.
KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa office pagkatapos kong ihatid si Sean sa school niya.