🎶 Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo-----
Marian
Malakas ko siyang naitulak ng para akong mabuhusan ng malamig na tubig at malakas na sinampal. Namula pa iyung pisngi niya dahil sa naging sampal ko. I have never slapped a man my entire life. Ngayon lang. Sa kaniya lang.
" Ba't mo ko ninakawan ng halik!" Hindi ko na napigilan pang pagtaasan siya ng boses.
Pilit kong tinatanggal din iyung kamay niya sa bewang ko pero para itong nakaglue dito.
" You kissed back. That wasn't stealing. That was a giveaway." He said back. Maslalo akong nainis sa naging sagot niya.
" Giveaway? First kiss ko giveaway?" Mukhang nagulat din siya sa naging sagot ko. Hindi ko na din kase napigilan pang sabihin iyon sa kaniya. At hindi ko siya hinalikan pabalik.
" Manyak ka ba! Kanina ka pa hawak ng hawak sa akin" I told him. Ngayon ay galit na akong nakikipag-usap sa kaniya.
Mali ang ginagawa niya at maling mali ang ginawa niya.
" Ganiyan ka ba talaga sa lahat ng mga babaeng nakikilala mo? Hinahalikan mo nalang kung kailan mo gusto?" Buong tapang kong pagkuwesyon sa kaniya.
" I'm sorry." Pagpapaumanhin niya. He must probably saw how angry I am at him.
" Hindi lahat nakukuha niyo, Seb. Hindi porket gusto niyo ay ihahain nalang sa harapan niyo. Gusto kong sabihin sa 'yo ngayon na hindi lahat nadadaan sa kapangyarihan at pera. Kung sa tingin mo ay isa ako sa mga babaeng sa tingin mo ay nabibili ng karangyaang meron ka, nagkakamali ka." Wika ko sa kaniya.
" Ang harsh mo naman magsalita. Parang ang laki ng galit mo sa akin ah. Sorry na sa paghalik ko. Next time hihingi na ako ng permiso mo para iwas sampal" I can still hear dominance and authority in his voice and yet it didn't cover the softness in it. It seems like he meant every word he said. True to what he said sobrang namumula nga talaga iyung pisngi niya dahil sa pagkakasampal ko sa kaniya.
" Sorry din sa pagsampal ko" Hingi ko ng tawad sa kaniya.
Ngayon ay tumango siya habang nakangiti na.
" Apology accepted Marian. Pero may kapalit." He said.
" Ba't may kapalit pa?"
" Sakit nung sampal mo Marian. Tignan mo oh, namula na pisngi ko" Wika niya na nagpapanggap pang parang siya ang kawawa dahil sa ginawa ko.
Huminga ako ng malalim bago siya sinagot.
" Anong kapalit?" Tanong ko.
" Hayaan mong ligawan kita" Kasabay ng pagsabi niyang iyon ang pagtunog muli ng elevator.
This time, hindi na niya ako pinigilan pa at sinundan na ako sa paglabas.
" Hindi nga puwede. Kulit mo" Wika ko habang naglalakad. Siya naman ay nakabuntot parin sa akin.
Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy hanggang sa pinakadulo dahil dun ang punta ko.
" May trabaho pa ako Seb." Wika ko sa kaniya. Mukha kaseng wala siyang balak tigilan ako. Napasimangot siyang tumingin sa akin.
" Tulungan na kita." He volunteered. Tatanggi na sana ako ngunit kinuha na niya iyung basket na hawak ko.
Bakit ba ayaw akong tantanan ng lalaking 'to.