21 : The Drunkard

25.3K 1K 158
                                    


🎵 Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungo

-----

Marian

Nakakapagod dahil buong araw akong nagtrabaho, natambakan kase ako ng mga papeles dahil hindi ako pumasok ng isang araw.

Alas tres na ng hapon ng mapansin kong ilang beses pala akong tinawagan ni Seb pero hindi ko iyon nasagot. Napatingin din ako sa bouquet ng bulaklak na nakalagay sa gilid ng mesa ko at kanina pa ito nandon.
My eyes widened when I remembered his lunch hour with me. Napatampal na lamang ako sa aking mukha ng maalala kong sinabi sa akin ng aking assistant na may lalaking naghihintay sa akin sa lobby na sinabihan kong maghintay muna saglit dahil busy pa ako sa pakikipag-usap sa isang employer na dapat ay kahapon pa sana ang meeting namin.

Napakagat labi na lamang ako nang maglakad ako papuntang lobby at dun ko nadatnan si Seb na nakaupo. Iyung mga mata niya ay nakatingin lamang sa pintuan kung saan ako dapat lalabas kaso sa kabila ako lumabas kaya hindi niya napansin na lumabas na pala ako. He looks so handsome in his suit. Iyung para bang hindi mo aakalain na siya ang ama ng anak ko. But that will stay that way. Nothing more than that. Siguro nga ay para narin matigil ang kahibangan kong 'to ay paunlakan ko na rin ang panliligaw sa akin ni Liam. Matagal na rin siyang nanliligaw sa akin ngunit ni minsan ay hindi ko siya pinagbigyan. Hindi pa ako handa noon. Ayokong muling masaktan kung kayat maspinili kong pagpahingain ang puso ko. Tanggap ko din naman na hindi na kami puwede ni Seb. Dahil siguro sa sobrang sakit ng idinulot niya sa akin noon ay na halos patayin na niya ako ng buhay ay ayoko ng sumugal pa sa kaniya. It would be more painful the second time around if I love him back again and he would choose Kara over me again.

He patiently waited for me. Parang hindi ko lubos maisip na hinintay niya talaga ako. Knowing that he is also busy right now. Huminga ako ng malalim bago ko siya nilapitan. Mukhang hindi pa niya inaasahan ang paglapit ko sa kaniya dahil sa ibang direksyon siya nakatingin.

" Seb" Tawag ko sa kaniyang pangalan. Hindi niya inaasahan ang paglabas ko.

" Kanina ka pa naghihintay. Sana ay hindi ka nalang naghintay sa akin ng ganito katagal. Nasayang tuloy iyung oras mo." Wila ko. I suddenly felt something inside me. I hope he ate lunch.

" Kumain ka na ba ng panglunch mo?" I asked.

Napakagat labi ako ng umiling siya.

" I waited for you because I want to have luch with you." He explained. Napayuko ako.

" I'm sorry I got busy. Hindi ko na namalayan iyung oras. Ngayon ko lang nabasa iyung mga text message mo. I'm sorry" Paumanhin ko. I was about to say more when my assistant called me.

" Ma'am Marian, paparating na daw po si Mr. DeLiano" Anunsyo sa akin ng aking assistant.

I saw how his eyes expressed such emotions. He had waited for me for hours tapos iiwan ko ulit siya. Hindi pa siya kumakain. But It's not possible that I won't entertain Mr. Liam DeLiano.

I sighed and looked at him before gazing back at my assistant.

" Give me fifteen minutes. Tell Mr. DeLiano to be at the conference room. Pagkapehin mo muna para hindi mainip" Wika ko sa assistant ko.

Nang maiwan kaming dalawa ni Seb ay napaupo ako sa tabi niya. I should not give him much of my attention but why does it seems like I always have that tendency to care for him even though I already made myself believe not to.

Pasimple akong tumingin sa relo ko.

" Wala ka bang pinagkakaabalahan ngayon sa opisina mo?" I asked as I sat down beside him.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon