20 : The Argument

25.6K 1K 129
                                    


🎵Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan

-----

Marian

Morning came and I did the usual. Pero sa pagkakataong ito, maagang dumating sa bahay si Seb para ipaghanda kami ng almusal. I have never seen him exert such efforts like this. Siya na mismo ang nagprisintang magluto ng almusal namin.

" Does my son like bacon in the morning?" He asked as he pulls out the grocery stocks that he just bought.

Tumango ako. Hindi naman mapili sa pagkain si Sean. May mga brown eggs din siyang binili. May gatas din at kung anu ano pa.

" Seb hindi mo naman kailangang gawin 'to" Huminga ako ng malalim. Nagtama tuloy ang mga mata namin dahil sa sinabi ko.

" I missed years not being with you because I was a jerk. Please allow me to do these things. Para sa yo at sa anak natin. Allow me to prove to you that I want to be the man that deserves you and the man who wants to be a good father to our son." He explained. Hinayaan ko na lamang siya sa ginagawa niya. With our set up now, I am fully aware that it won't be easy. Para kaming nasa stage of adaptation and adjustments na pareho naming ginagampanan para sa anak namin.

Tinulungan ko siyang nagluto dahil halata kong hindi siya masyadong marunong pero nag-eefort naman talaga siya. We both prepared the table just as when we were both finished, Sean was already running towards him.

" Daddy!" Masayang sigaw niya ng makita ang kaniyang ama. My son looks so happy and there's no question about it.

" Hello big boy!" Seb immediately carried Sean and kissed him in his cheeks as he carefully placed him to his seat near him.

" Wow!" Sean was amazed with the food infront of the table.

" Daddy cooked this?" He asked Seb. Ngumiti naman ako at sabay kaming tumango ni Seb.

We ate. Paminsan minsan ay napapansin ko ang pusulyap sulyap na pagtingin sa akin ni Seb pero hindi ko pinapahalatang napapansin ko iyon at apektado ako. Until now, the real score between us is empty because there's no score between us at all.

After breakfast, sinamahan kong mag-ayos si Sean. I prepared everything for him like the usual. Seb was helping me, natututo narin siya sa mga bagay bagay na kailangan niyang gawin para kay Sean. He had been attentive and observant the whole time. Lahat ng mga ginagawa ko, tinigtignan niya at ginagaya.

" Maleleyt ka na din sa trabaho mo, Seb" I said as a matter of fact. He also have a company to run. I know that he's busy but he had made plans to use his time for his son.

" Hatid na din kita sa trabaho mo" He said. Umiling ako.

" Hindi na kailangan. Si Sean nalang ang ihatid mo sa school niya. Sigurado akong ipapakilala ka niya sa mga kaklase at mga guro niya dun" Wika ko. Knowing my son, ipagmamayabang niya sa buong school nila ang papa niya.

" Then let's both bring our son to school bago kita ihatid" He even said. He's not really going to drop that conversation.

How I wish everything won't be this hard for the both of us. Dahil kahit anong tanggi ko, may anak kami. I cannot just disregard the fact that he is Sean's father. I've taken that away from him for years, I don't want to do that again. Ngayon pa na nakikita kong malaki ang epekto nito sa anak ko.

Masayang sumakay si Sean sa kotse ni Seb. He was sitted at the back while I am infront. Naglalaro ito ng kaniyang robbot na laruan habang ako naman ay tahimik lang na pinagmamasdan si Sean gamit ang rear mirror ng sasakyan ni Seb.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon