17 : The Son

25K 1.2K 266
                                    


🎶 Sunod sa bawat galaw

-----

Marian

" Let me leave Seb" Naiinis ko ng untag kay Sebastian na ngayon ay nakatutok lang ang atensyon sa akin.

" No, you cannot leave" Pagpupumilit niya.

" You cannot mandate me to stay, Mr. Hans. Aalis ako kung kailan ko gusto. And don't give me another shitty reason for me not to leave because I am not going to follow any orders from you" Ayokong magalit dahil umagang umaga palang pero hindi ko mapigilang hindi magalit dahil sa kaniya.

" May tinatago ka ba?" Agad akong kinabahan sa naging sagot niya sa akin.

" Ano bang pinagsasabi mo? My emergency lang akong pupuntahan. Bukas na bukas, ipapadala ko sa kumpanya mo ang mga kailangan mo" Wika ko na lamang sa kaniya. I was about to turn my back on him when he held me by my arm.

" Kadarating mo lang tapos aalis ka kaagad. Gaano ba kaimportante iyung taong pupuntahan mo at kaya mo akong iwan" What the heck! Is he seriously asking me that? Anak ko ang importante sa akin.

" Bitiwan mo ako" Pagpupumiglas ko ngunit masyado siyang malakas para sa akin.

" You will not leave this room unless I say so, Marian. Hangga't ayaw mong samahan kita" Pinal niyang wika. I struggled to get my bag in order to leave but he immediately stood up and went near the door. Literal na iniharang niya ang kaniyang katawan upang hindi ako makalabas.

He is tall. Malaki din ang katawan niya kumpara sa akin kaya alam kong kung lalabanan ko siya sa pagkakataong ito ay matatalo ako. My body now is still the same as my body five years ago. Walang pinagbago bukod sa medyo tumangkad ako ng kaunti.

" Wala akong tinatago. At wala kang karapatang paghimasukan ang pribado kong buhay" I told him but he just shook his head.

" Really, Marian. Let's talk about privacy then. You know damn well that we are more than that word 'privacy' Marian." He smirked. Maslalo lamang akong nainis sa binitawan niyang mga salita.

Napapikit na lamang ako. My time is running. My son needs me. Iniisip ko palang na umiiyak na iyung anak ko sa ospital ay hindi na kaya ng puso ko.

Huminga ako ng malalim. My phone rang again. Agad ko itong sinagot.

" Rina kamusta?" Agad kong tanong sabay baling kay Seb na nakatutok ang mga mata sa akin.

" Ate si Sean gusto ka daw makausap. Ate kanina pa umiiyak si Sean, saan na po kayo banda ate?" Sunod sunod na wika ni Rina sa akin. Oh god! I cannot talk to my son now because I am just infront of his father, mabubuko ako.

" Pakisabi kay Sean, parating na ako medyo traffic lang. Malapit na ako sa ospital. Rina ikaw na bahala diyan. Please pakisabi na darating ako" Gusto kong makausap iyung anak ko kaso hindi puwede. Ibababa ko na sana iyung phone ko ng biglaan itong hablutin ni Seb.

" Hello what hospital?" Agaran niyang tanong kay Rina na nasa linya parin.

Pinilit kong kunin pabalik iyung phone ko ngunit iniwas ni Seb iyung sarili niya sa akin.

" Damn it Seb give me back my phone!" I told him. The line went on.

" I'm her boss." Narinig kong wika ni Seb kay Rina na kausap niya ngayon. Alam kong sinabi ni Rina iyung pangalan ng ospital kay dahil napatingin ito sa akin.

Sobra sobra na akong kinakabahan dahil kilala ko si Rina. Baka dahil sa pagpapanic niya ay kung anu ano na ang nasabi niya kay Sebastian.

Alam kong may mga sinasabi pa si Rina sa kabilang linya. Seb was just listening while looking at me as if I am a sinner. Iyung mga mata niyang biglaang nagbago ng ekspresyon. His eyes sent me daggers that might have killed me if it were real.

Midnight NegotiationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon