11

112 30 4
                                    

"E 'di gustuhin mo lang ako hanggang sa gusto mo,"


I wanted to scream because of so much kilig. Gustong-gusto kong magtatalon at magwala. I pursed my lips and looked at him, still in shock of what I just heard. Papungay-pungay pa rin ang mga mata nitong ngumiti sa akin.


"Yeah, yeah, that's what I will do," he nodded slowly while his eyes were half shut. Hilong-hilo na yata!


"Mamahinga ka muna, Clyde," marahan ko siyang itinulak pahiga. I bit my lip. "Let's talk about it tomorrow, hmmkay?" I smiled at him.


"Owwwkeeeey," huminga ito nang malalim bago pumikit. Natawa na lang ako sa itsura niya. Medyo nakaangat na ang polo nito kaya saglit ko itong inayos. My god, sumisilip ang mga hindi ko pa dapat nakikita! Hindi pa po ako ready for matured roles!


"G-goodnight, Clyde," nauutal ko pang paalam dala ng kilig at hiya sa nakita.


Dumilat naman ito. "Weeeeyt," slang pa rin ang tono ng boses nito. "I think I'm gonna throw up," sabay tayo at takbo sa bathroom.

Gulantang naman akong sumunod sa kaniya. Jusko! Bakit ba sumagad 'to!


Hinagod ko ang likod niya habang ang mukha niya ay halos mahalikan na ang toilet bowl. My god! I feel so bad for my baby. Huy! Practice lang muna.


"My god, Clyde. How and why did you become this wasted!" sermon ko sa kaniya. Nakatatlong suka yata siya bago siya tumayo.


"Holy fuck, I am so sorry," paulit-ulit naman nitong paghingi ng paumahin habang naghihilamos. Nagmumog din ito. Nakapameywang lang akong nanonood sa kaniya habang nililinisan ang sarili.


Napabuga ako ng malakas sa hangin. Mayroon nang suka ang damit niya! Napalitan tuloy ng kaunting inis at pag-aalala ang kilig ko. Bakit ba kasi nagpakalasing 'to!


"You have vomit on your shirt, Clyde," sabi ko sa kaniya kaya napatingin ito sa damit.


"Fuck," napahilamos siya sa mukha. "I'm so sorry," paulit-ulit na naman nitong sinabi.


I sighed as I looked at him being wasted. "I'll try to look for an extra shirt in the cabinet," at lumabas muna sumandali. I opened the cabinet in the guest room and was so lucky to see a plain white t-shirt in it. Whew! Buti na lang! Plus points din na mayroon palang bottled water sa side table ng kama.


Pagbalik ko sa cr, nakatulala lang ito habang nakatingin sa sarili sa salamin. "Beh, magpalit ka muna ng damit bago ka matulog ulit," iniabot ko sa kaniya ang t-shirt. Pinainom ko rin muna siya ng tubig.


Mariin itong ngumiti at akmang maghuhubad na kaya nanlaki ang mga mata ko. "Hoy! Wait! Lalabas muna ako!" agad akong tumalikod at lumabas sa cr.


Sabing hindi pa ako ready for matured roles, eh! Saka na, kapag tayo na. Hehe.


Napaisip naman ako. What if magsuka ulit 'to? My god. Baka mapatay siya ni Eya. Kaya napagdesisyuhan ko na lang din na mag-stay rin dito sa guest room. I'll spend the night here. Pero s'yempre hindi kami tabi sa kama! It was heaven sent na mayroong pullout bed ang kama rito. Jusko, kung gaano siya katagal sa cr ay ganoong katagal ko rin pinag-isipan kung sasamahan ko ba siya rito.

Siguro ay limang minuto rin ang lumipas bago siya lumabas. Basa ang buhok nito dala siguro ng paghihilamos nang ilang beses. Nahihiya itong tumingin sa akin.


Chased by Destiny (Broken Promises Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon